^

Punto Mo

Pulis-QCPD na nadedo sa Customs, may mga pasa sa katawan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAY palatandaan na binugbog o pinahirapan si PEMS ­Celedonio Caunceran Jr., ang suspect sa sunud-sunod na ambush-slay sa ilang Customs officials, dahil sa mga hematoma at pasa na nakita sa kanyang katawan. Lumabas sa autopsy report na isinagawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Manila Police District (MPD) na si Caunceran ay may hematoma sa ilalim ng kanyang mga dede at may contusions o pasa mula sa itaas na bahagi ng tiyan hanggang sa dibdib.

Sinabi ng kosa kong Marites na ang hematoma ni Caunceran sa ilalim ng kaliwang dibdib ay sa 4 o’clock samantalang sa kanang dibdib naman ay sa 7 o’clock. Wala namang nakitang bali sa kanyang ribs, anang kosa kong Marites. Subalit iginiit ng kosa ko na may namumuong dugo sa hematoma at contusions sa bangkay ni Caunceran. Araguuyyyyy! Ang puna ng kosa kong Marites ay mukhang ininda ni Caunceran ang sakit ng katawan niya kaya naburyong at “nang-agaw” ng baril ng taga-Customs. Dipugaaaaa!

Makikita rin sa autopsy report na tatlo ang tama ng bala sa katawan ng biktima. Ang tama ng bala ay halos daplis lang sa kanto ng noo subalit lumabas ito sa may tenga. Ang sugat sa dibdib ay lumabas sa may kidney sa likod samantalang ang sa may colon o pantog ay halos one-inch lang ang agwat sa kinalabasan ng bala sa tama sa dibdib. Sinabi ni kosang Marites na ang tama sa colon o pantog ay hindi fatal samantalang ang sa ulo at dibdib ay siguradong hindi makaligtas ang tatamaan. Araguuyyyyy!

Ang pinakamatindi sa lumabas sa autopsy ay walang tattooing o smudging sa mga sugat ni Caunceran na nakita ang doktor na nag-imbestiga sa bangkay ng biktima. Ang ibig kaya sabihin nito ay nabaril si Caunceran ng malayuan? Dipugaaaaa! Dahil sa kinalabasan ng autopsy sa bangkay ni Caunceran, ang kasong isinampa ng mga tauhan ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco sa prosecutor’s office laban sa operatiba ng Customs intelligence ay murder. Araguuyyyyy! Dapat lang, di ba mga kosa? Hak hak hak! Sasakit talaga ang ulo ng mga sangkot dito sa kaso ng agaw-armas ni Caunceran. Tiyak ‘yun, di ba mga kosa? Mismooooo!

Ang pamilya naman ni Caunceran ay sumisigaw ng hustisya. Ang hepe ni Caunceran na si Brig. Gen. Remus Medina, ang director ng Quezon City Police District (QCPD) ay na-brief na din ng findings ng autopsy report at nangakong tutulong siya sa gastusin sa burol at libing ng biktima. Si Caunceran ay dinatnan ni Gen. Medina na naka-assign sa District Headquarters Support Unit (DHSU) kung saan siya itinapon ni dating QCPD director Brig. Gen. Tony Yarra dahil sa alitan nila ng kanyang team leader. “Parang iniwas siya ni Gen. Yarra para hindi sila magpang-abot ng team leader niya. ‘Yan lang ang report na nakarating sa akin sa ngayon,” ani Gen. Medina.

Ang bangkay ni Caunceran ay kasalukuyang nakaburol sa isang punerarya sa Tandang Sora, Quezon City. Hinihintay lang ng pamilya na mailibing ang biktima bago kumilos para magkaroon ng hustisya ang kamatayan n’ya. Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan! Abangan!

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with