^

Punto Mo

Health tips (Part 6)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kung iinom ng gamot, room temperature lang ang iinuming tubig.

• Ang best sleeping time ay mula 10:00pm hanggang 4:00am.

• Huwag kainin ang sunog na bahagi ng inihaw na karne dahil mayroon itong compounds na nagiging dahilan ng sakit sa lapay.

• Sa paggamit ng sunscreen, hindi kailangan maging mataas ang SPF. Ayos na ang 50 SPF. Ang sunscreen lotion ay dapat iaplay sa balat kada isang oras, kahit pa gaano kataas o kababa ang SPF nito.

• Kung paninindigan mo ang pagkain ng prutas na wala pang laman ang iyong tiyan, mawawala ang mga problemang sumusunod: pamumuti ng buhok, nakakalbo, bigla na lang inaatake ng nerbiyos at pangingitim ng paligid ng mata. Huwag mag-alala na baka sumakit ang tiyan. Walang prutas na “acidic”. Lahat ng prutas ay alkaline. Nagiging “acidic” lang ang prutas kapag may inuna kang kainin bago ang prutas. O kung mayroon man, palampasin ang 45 minutes bago kumain ng prutas.

• Totoo talaga ang “beauty sleep”. Natuklasan ng mga scientists na mas bumabata at gumaganda ang hitsura ng taong husto ang tulog kaysa noong kulang siya sa tulog.

• Laging kumain ng natural purplish color foods: ube, purple cabbage, purple na kaimito, purple na camote, red wine, grapes, blueberries, sibuyas na pula or purple, lipute, duhat. Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa polyphenols na pumipigil sa sakit sa puso at Alzheimer’s disease.

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with