^

Punto Mo

Lesson learned, ­maging humble para di-mabudol

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MATAPOS ang mga pagkilos na hindi pagkilala ng supporters nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa panalo ni Pres. Bongbong Marcos, naiproklama na rin ito ng National Board of Canvassers (NBOC) ng Kongreso noong Huwebes. Naiproklama na rin si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Ayon sa datos na napa­sakamay ng NBOC, 82.6% ng 67.4 million ang bumoto kay Marcos. Ito ang may pinakamataas na bilang ng mga bumoto sa kasaysayan ng national election at may pinakamalaking kalamangan ng nanalong presidente sa kanyang kalaban.

Walang duda na ginusto nang mas maraming Pilipino na iboto si Marcos sa kabila nang napakaraming below the belt campaign propaganda. Lahat na halos ng pambabarubal ay ginawa ng mga kalaban pero nanatili pa rin ang tikas ni Marcos hanggang sa finish line. Parang bida sa pelikula, di ba?

Maraming leksiyon ang natutuhan sa nakaraang eleksiyon. Isa na rito ang negatibong  epekto ng sobrang paninira sa kalaban sa pulitika nang walang pakundangan. Lalong sumidhi ang simpatiya ng mga botante. Ganun yun eh!

Ngayon din napatotohanan ng mga research and surveying firms na tulad ng Pulse Asia na tama ang computations nila ayon sa scientific and mathematical procedures na ginagawa nila. Hindi ito pinaniwalaan ng mga kalaban ni Marcos at marami pa rin ang nahikayat na pumusta sa kalaban kaya maraming nabudol. Tama ba Tekla?

Wala naman talagang political handlers ang magsasabi na dehado ang kandidato nila sa laban, manapa’y ­pasisinungalingan nila ito para gawing pang-engganyo sa mamumusta at ­supporters. Paano sila kikita nang malaking pera kung aaminin nila di ba? ha-ha-ha!

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with