^

Punto Mo

Health tips (Part 5)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Paglalakad nang nakatalikod sa loob ng 30 minuto araw-araw. Isa ito sa paraan ng pagpapapayat ng mga sinaunang Chinese. Idagdag pa rito ang pagkain ng maaanghang na pagkain sa tanghalian at hapunan. Kaunti lang ang nakakain kapag maanghang ang kinakain. Ngunit normal lang ang kakainin sa almusal dahil ito ang pinakaimportanteng meal sa maghapon. Mababawasan ng more or less 10 pounds ang iyong timbang sa loob ng 3 buwan.

• Honey ang pantanggal sa nunal. Kung naaasar na kayo sa nunal na sa palagay ninyo ay perwisyo sa inyong hitsura, pahiran ito ng pure organic honey 2 beses araw-araw. Takpan ng band aid. More or less isang linggo ang hihintayin bago ito matanggal sa inyong balat.

• Kung nangangamoy ang iyong paa, hugasan muna ito ng maligamgam na tubig at sabon. Tuyuin. Pahiran ng vodka ang paa at hayaang matuyo ng hangin. Antiseptic ang vodka at kaya nitong patayin ang bacteria na nagiging dahilan ng masamang amoy ng iyong paa.

• Kung nakakaranas ng bad mood, matulog sa kuwartong madilim. Gumamit ng makapal na kurtina upang walang liwanag na pumasok sa kuwarto, lalo na kung matutulog ka sa araw. Ang katawan natin ay naglalabas ng hormone na kung tawagin ay melatonin kapag nasa madilim tayong kuwarto. Melatonin  ang tumutulong upang umayos ang ating mood at makadama ng relaxation.

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with