^

Punto Mo

Ginger (36)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘SIGE po Sir kung ayaw mong magkape. Meron pa naman akong masarap na kape galing Mindoro,’’ sabi ni Ginger.

‘‘Talaga? ‘Yung kapeng pinakukuluan nang matagal?’’

‘‘Opo. Kapeng barako.’’

‘‘Ani n’yo?’’

‘‘Ipinadala lang po ng pinsan ko.’’

‘‘Sayang! Di bale sa sunod na lang ako magkakape.’’

‘‘Ikaw ang bahala Sir. Salamat uli,’’ sabi ni Ginger at bumaba na sa kotse.

‘‘Salamat din, Ginger.’’

Pumasok na si Ginger sa gate ng bahay.

Umalis na si Anton.

Masaya siya at napakagaan ng pakiramdam niya. Siguro ay dahil nakatulong siya sa problema ni Marie. Pero kung hindi dahil kay Ginger ay baka wala siyang naitulong kay Marie. Si Ginger ang naging instrumento ng lahat kaya naging matagumpay ang pagtulong kay Marie.

MAKALIPAS pa ang ilang buwan, halatang-halata na ang pinagbubuntis ni Marie. Naka-maternity dress na ito kapag pumapasok. At napapansin ni Anton na gumaganda si Marie sa kabila nang pagbubuntis. Naalala niya na kapag ganun daw ang aura ng babae, ay tiyak na baby girl ang anak nito.

Binati niya minsan si Marie. Kaharap si Ginger.

‘‘Kailan ka manganganak, Marie?’’

‘‘Sa September po Sir.’’

‘‘Hula ko babae ‘yang pinagbubuntis mo.’’

‘‘Bakit mo po nasabi Sir?

‘‘Maganda ka ngayon. ‘Pag maganda raw ang nagbubuntis, baby girl ang isisilang.

Napangiti naman si Ginger.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with