^

Punto Mo

Ginger (33)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MATAPOS ipakilala ni Marie si Anton at Ginger sa mga magulang nito,  hindi na nag-aksaya ng panahon si Anton. Kinausap nang banayad ang mga magulang ni Marie.

‘‘Naparito po kami para may ipagtapat ukol kay Marie at hinihingi ko po ang inyong pang-unawa. Alam ko po na makakasakit ito pero bigyan po ninyo ng pagkakataon ang inyong anak. Sana po ay maunawaan ninyo siya—si Marie po ay nagdadalantao at ang ama ng kanyang dinadala ay may pananagutan na sa buhay. Nang ipagtapat po ito ni Marie sa akin, na-shock ako. Ang una kong naging reaction ay bakit nagtiwala agad si Marie sa lalaking hindi muna niya inalam ang pagkatao bago nagtiwala. Pero napag-isip-isip ko, hindi na dapat pang sisihin si Marie—nandiyan na ‘yan. Wala nang nararapat pang gawin kundi unawain at suportahan si Marie. At malaki po ang nagawang papel ni Ginger sa kalagayan ni Marie. Kung hindi kay Ginger ay hindi ko malalaman ang totoong nangyari kay Marie. Sa totoo lang, si Ginger po sana ang pupunta rito para kausapin kayo ukol sa kalagayan ni Marie pero, naantig ang damdamin ko sa mga ginagawa ni Ginger sa kanyang kaibigan kaya ako na ang nagpresenta na magsasabi sa inyo.

“Sana po maunawaan ninyong mag-asawa si Marie. Nasa kalagayan siya ngayon na dapat bigyan ng suporta dahil sa kanyang dinadala. Mapatatawad n’yo po ba siya, Papa Carlos at Mama Susan?’’

Biglang umiyak si Mama Susan.

Nang tumigil sa pag-iyak ay saka nagsalita.

‘‘Oo mahal namin si Marie. Matitiis ba namin siya?’’

Natuwa si Anton at saka binalingan si Papa Carlos.

‘‘Ikaw po Papa Carlos, mapapatawad mo po ba si Marie?’’

‘‘Oo naman. Wala namang nakakatiis sa anak.’’

Tuwang-tuwa si Anton sa narinig.

Maski si Ginger ay napapalakpak sa katuwaan.

Lumapit si Marie sa ama at ina at niyakap ang mga ito.

‘‘Patawad, Mama, Papa !’’

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with