^

Punto Mo

Lalaki sa Japan, kinatakutan nang mapagkamalan na ang luma niyang cell phone ay itak!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG Mayo 19, 2022, nakatanggap ang 110 emergency hotline ng tawag mula Sendai, Japan mula sa isang babaing teenager. Nagsusumbong ang caller na nakakita siya ng lalaki na may hawak na itak sa Sendai train station.

Sa mga nakaraang taon, may mga insidente ng pananaksak sa  loob ng tren sa Japan kaya mabilis rumesponde ang mga pulis sa sumbong na ito.

Pagdating ng mahigit isang dosenang pulis sa Sendai station, nakausap nila ang teenager na nag-report at nilinaw ng kasama nito na mali ang nakita ng teenager. Ayon sa kasama nito, hindi patalim ang hawak ng nakita nilang lalaki kundi isang “Garakei” o “flip phone”!

Ang garakei o flip phone ay lumang klase ng cell phone na nabubukas at natitiklop na parang isang kabibe. Nauso ito sa Japan bago naimbento ang mga smartphone. Kapag nakabukas ito mula sa pagkakatiklop, manipis ang anyo nito at maaaring mapagkakamalang patalim ng mga kabataan na hindi inabot ang ganitong technology.

Upang makasigurado na hindi talaga itak ang kanilang nakita, hinanap nila sa CCTV ang lalaki upang matukoy kung sino ito. Nahanap nila ang lalaki sa sumunod na istasyon at agad namang pumayag itong inspeksyunin ang kanyang bag. Walang natagpuang itak dito kundi isang lumang flip phone.

Humingi ng paumanhin ang teenager na nagbigay ng maling report at humingi rin ng apology ang mga pulis sa inabala nilang lalaki.

 

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with