^

Punto Mo

EDITORYAL - Itatalaga sa DMW, dapat may ­malasakit sa OFW

Pang-masa
EDITORYAL - Itatalaga sa DMW, dapat may ­malasakit sa OFW

NARARAPAT na maging maingat ang susunod na administrayon sa pagpili nang mamumuno sa bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW). Kailangan na ang taong ipupuwesto sa tanggapang ito ay may tunay na malasakit sa OFWs. Nararapat ding alam ang pinagdadaanan ng OFWs.

Noong nakaraang buwan, itinalaga ni Pres. Rodrigo Duterte si Abdullah Mama-o na secretary ng DMW subalit meron agad bumatikos sa kanya dahil inalis ang deployment ban ng OFWs sa Saudi Arabia kahit mayroon pang problema sa employer doon. Sa pag-alis ng ban, parang kinampihan ni Mama-o ang mga umaabusong employer. Ang deployment ban ay ipinag-utos ni Labor Sec. Silvestre Bello III makaraang makatanggap ng reklamo mula sa OFWs sa Saudi noong Nobyembre 2021 na hindi sila pinasusuweldo at pinagmamalupitan pa. Umaksiyon si Bello at pinatigil ang pagpapadala ng OFWs. Ayaw na niyang maulit ang mga pagmamalabis at pagpapahirap ng Saudi employers sa OFWs. Hindi pumayag si Bello sa hakbang ni Mama-o kaya nanatili ang deployment ban. Ayon kay Bello, aalisin lamang ang deployment ban kapag binayaran na ang OFWs ng kanilang employer.

Tama si Bello, lutasin muna ang problema bago ituloy ang deployment. Huwag isubo ang OFWs sa mga balasubas at abusadong employer.

Napipisil umano ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr. si Susan “Toots’’ Ople na maging secretary ng DMW. Si Toots ay anak ni dating senador at Labor secretary Blas Ople na naglingkod noon sa Cabinet ni Marcos Sr.

Nararapat na may husay at kasanayan ang taong itatalaga sa DMW para mapaglingkuran ang OFWs na sumasagip sa ekonomiya ng bansa. Malaki ang utang na loob sa OFWs kaya nararapat ibalik ang kanilang ginagawang pagsasakripisyo. Nitong first quarter ng 2022, nakapagremit ang OFWs ng $8.65 bilyon. Ang laki! Sa ganitong kalaking pera, nararapat lamang pagsilbihan ang mga bagong bayani.

vuukle comment

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with