^

Punto Mo

EDITORYAL - Pati asin mataas na rin

Pang-masa
EDITORYAL - Pati asin mataas na rin

Katataas lamang ng presyo ng tinapay, instant noodles, sardinas, karne, corned beef, meat loaf, gatas, naka-botelyang inuming tubig, sabong pampaligo, sabong panlaba, battery, kandila, asin at marami pang iba at ngayon ay magtataas na naman, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Inaprubahan na ng DTI ang suggested retail prices­ (SRPs) ng 82 produkto na kinabibilangan ng sar­dinas, gatas at instant noodles dahil umano sa mala­king gastos sa produksiyon ng mga ito. Inaprubahan ng DTI ang SRPs noong Mayo 11. Kabilang pa sa mga produkto na magtataas ang presyo ay ang asin, sabong panlaba, delatang karne, corned beef, kape at battery.

Ang pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay kasabay din sa pagtataas ng mga produktong petrolyo. Halos linggu-linggo ang oil price hike na pasaning mabigat sa mga motorista. Higit na kawawa ang mga drayber ng public utility vehicles (PUVs) partikular ang jeepney at bus dahil wala na silang maiuwi sa pamilya. Napunta na lahat sa diesel.

At ngayong magtataas na naman ang mga presyo ng pangunahing bilihin, saan na hahantong ang buhay ng mga mahihirap na isang kahig, isang tuka. Kahit ang mga nagdidildil ng asin ay apektado rin sapag­kat maski ito ay magtataas din. Ang iodized rock salt na 500-g ay magiging P15.70 na mula sa dating P11.25.

Dahil sa pagtaas ng bilihin, hindi na magkasya­ ang P537 na arawang kita ng mga manggagawa sa Metro­ Manila. Nagdagdag ng P33 subalit kulang na kulang­. Bukod sa mataas na bilihin, nag­ba­bayad pa ng upa sa bahay, bayad sa kuryente at tubig­. Humihiling ang mga manggagawa na itaas sa P650 ang minimum wage para makahabol sa mataas na presyo­ ng bilihin. Kawawa naman ang kakarampot ang suweldo na pinagkakasya lamang para makaraos sa mag­hapon.

Magpapalit na ang administrasyon sa susunod na buwan at sana makagawa ng paraan ang bagong pama­halaan para mapababa ang presyo ng mga bili­hin. Una nang sinabi ni incoming president Bongbong Marcos na pabababain ang presyo ng bigas sa halagang P20 bawat kilo. Sana mangyari ito para naman maibsan ang hirap ng mga isang kahig-isang tuka na kahit asin ay mataas na rin ang presyo. Kawawa ang mga magdidildil ng asin.

vuukle comment

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with