Pinakamatangkad na aso sa buong mundo, matatagpuan sa Texas!
Isang two year old na Great Dane mula sa Texas ang pinarangalan ng Guinness World Records bilang pinakamatangkad na aso sa buong mundo.
Inanunsyo ng Guinness noong Marso 22, 2022 na ang asong pagmamay-ari ni Brittany Davis na si Zeus ay ang kasalukuyang record holder sa kategoryang “Tallest dog living (male)” matapos itong sukatin sa taas na 3 feet, 5.18 inches tall.
Ayon kay Davis, eight months old pa lamang si Zeus nang iregalo ito sa kanya. Tuta pa lamang si Zeus ay malaking aso na ito at napakalapad ng mga paa nito.
Nagsimula lamang sa katuwaan sa isang family gathering ng mga Davis ang ideya na si Zeus ang pinakamatangkad na aso sa buong mundo.
Nang pinasukat nila sa isang veterinarian si Zeus, lalong lumaki ang hinala nila kaya nagsumite sila ng aplikasyon sa Guinness.
Hindi inakala ng pamilya Davis na magiging world record holder si Zeus. Dahil sobrang proud sila sa achievement ng kanilang alagang aso, nakadisplay ang Guinness certificate ni Zeus sa kanilang living room.
- Latest