^

Punto Mo

EDITORYAL – Magmamahal ang pandesal

Pang-masa
EDITORYAL � Magmamahal ang pandesal

PATI pandesal, magmamahal na rin sa susunod na buwan. Ito ay bunsod sa pagtaas ng presyo ng arina at asukal na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay. Isa rin sa nakapagpamahal ay pagtaas ng liquefied petroleum gas (LPG). Ayon sa Philippine Baking Industry Group (PhilBaking), ang bawat piraso ng pandesal ay magiging P2.55 na mula sa dating P2.35. Pati ang Pinoy Tasty ay tataas din mula sa dating P35.00 ay magiging P38.00 na. Ayon pa sa PhilBaking, grabe ang tinaas ng 25-kilo bag ng arina na ngayon ay P995 na mula sa dating P690.

Pandesal ang kinakain ng mga Pinoy sa almusal. Kahit walang palaman at sawsaw-kape lang, busog na at puwede nang pumasok sa trabaho o school. Lumilipas ang umaga ng karaniwang Pinoy sa pandesal.

Ngayong magmamahal na ang bawat piraso ng pandesal, malaking problema ito sa isang padre de pamilyang kumikita ng karampot para makabili ng pandesal na kakainin nila sa almusal. Lalo pa nga at sa panahong ito ng pandemya na marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pinatutupad na restrictions.

Marami ang padamput-dampot ng trabaho. Hindi malaman ng ama kung saan hahagilapin ang susunod na kakainin ng kanyang pamilya. Mula nang ipatupad ang Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar, maraming naapektuhan ang ikinabubuhay. May pansamantalang isinara ang establisimento dahil hindi na kinaya ang gastos. Marami rin ang nalugi kaya nagbawas ng trabahador. Marami rin naman ang naapektuhan ng Bagyong Odette na tumama noong nakaraang taon.

Ang balak na pagtataas sa presyo ng tinapay ay nararapat rebyuhin ng Department of Trade and Industry (DTI). Dapat ba? Makatwiran bang itaas ang presyo lalo na ang pandesal sa ganitong sitwasyon na may pandemya. Kawawa naman ang mga mahihirap na labis na maaapektuhan ng pagmamahal ng pandesal. Gumawa sana ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang pasanin ng mga kawawang Pilipino na karampot ang kinikita at maaaring hindi na makabili ng pandesal sa mga susunod na umaga.

vuukle comment

BREAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with