^

Punto Mo

Sino ang hahabulin sa utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nagpautang po ako ng Php50,000 sa isang hindi ko naman masyadong ­kakilala dahil tumayo pong guarantor ang kaibigan ko. Ngayon pong sinisingil ko na ang umutang sa akin ay tumanggi siyang magbayad dahil ibinigay na raw niya ang Php 50,000 sa kaibigan ko. Nang tanungin ko ang aking kaibigan ay kinumpirma naman niya na naibigay na nga sa kanya ang nasabing halaga pero dahil sa matinding pangangailangan, nagamit niya raw ito. Sino po ba ang dapat kong habulin para sa Php 50,000 na ipinahiram ko? — Joy

Dear Joy,

Maari lamang habulin ang isang guarantor para sa utang na ginarantiya niyang sagutin kung nakasulat ang kasunduan ukol sa pagiging guarantor niya.

Ang requirement na kailangang nakasulat ang kasunduan ukol sa paggarantiya ng utang ay matatagpuan sa Article 1403 ng Civil Code kung saan nakasaad na unenforceable o hindi maipatutupad sa mga korte ang isang kasunduan para sa pagsagot ng utang ng iba kung ang kasunduan ay hindi nakasulat.

Hindi mo nabanggit kung nakasulat ba ang pangako ng kaibigan mo na tatayo siya bilang guarantor ng taong pinautang mo. Kung nakasulat ang pagiging guarantor ng iyong kaibigan, maari mo rin siyang habulin bukod sa nangutang sa iyo kung tumanggi ang huli na magbayad matapos kang maningil.

Kung hindi naman nakasulat ang pagiging guarantor ng kaibigan mo, balewala ang pangako niyang paggarantiya sa utang dahil walang bisa ito kung hindi ito nakasulat. Sa ganyang sitwasyon, ang umutang lamang sa iyo ang maari mong habulin, kahit pa sabihin niyang naibigay na niya sa kaibigan mo ang halagang kanyang  hiniram.

Hindi maaring idahilan ng umutang sa iyo ang pagbibigay niya ng halagang kanyang hiniram sa kaibigan mo dahil ikaw naman ang pinagkakautangan niya at hindi ang kaibigan mo kaya dapat ay sa iyo lamang siya nagbayad ng kanyang utang. Dahil dito, mabawi man niya o hindi ang halagang kanyang ibinigay sa iyong kaibigan ay kailangan ka niyang bayaran.

vuukle comment

DEBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with