^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (179)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘Hnaman siguro Lincoln. Baka naaalinsangan lang talaga siya,’’ sabi ni Reagan.

‘‘Sana nga ay mali ako. Gusto ko kasi bago ako mawala sa mundong ito ay may sariling pamilya na si Mira. Mas masarap yumao kapag nakita mong nasa magandang kalagayan na ang iyong anak.’’

“Oo naman. Lahat nang magulang ay ganyan ang gustong mangyari sa kanilang anak.’’

‘‘Gusto ko makita ang apo kay Mira. Mas magi­ging maligaya siguro ako kapag nakita ang apo ko. Kahit lalaki o babae, okey lang sa akin.’’

‘‘Mangyayari ‘yun dahil hindi naman tomboy si Mira.’’

‘‘Sana nga ay totoo ang sinasabi mo Reagan.’’

“Mangyayari ‘yun, Lincoln. Teka, shot pa tayo. Puro tayo kuwentuhan, ha-ha-ha!’’

Sinalinan ni Reagan ang kanilang baso.

‘‘Toast!’’ sabi ni Reagan.

Nag-toast sila.

Sabay silang tumungga. Gumuhit sa kanilang lalamunan ang alak. Suwabe.

Maya-maya lumabas mula sa kusina si Mira. May dala sa tray.

‘‘Pulutan n’yo!’’ sabi.

Steamed lapu-lapu.

“Salamat Mira. Ang ganda talaga ng hair mo,’’ sabi ni Reagan.

Ngumiti si Mira.

Si Lincoln ay tahimik lang.

Nakailang shot pa sila.

Maya-maya, tulog na si Lincoln sa upuan. Tinulungan uli niya si Mira na dalhin ito sa bedroom nito.

“Salamat uli Reagan.’’

“Okey lang.’’

Umuwi na si Reagan.

Nanood muna siya ng TV.

Pero habang nanonood ng TV, si Mira ang nasa isip niya.

Tomboy nga kaya si Mira?  (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with