^

Punto Mo

Health protocols violators, dumarami pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MABILIS na  ang pagbaba ng reproduction rate ng COVID sa Metro Manila.

Kahapon nga naitala na bumaba na ito sa 0.91 na palatandaan na pababa na ang trend ng mga bagong kaso.

Pinatunayan yan ng OCTA Research Group.

Kahapon inamin din ng Department of Health (DOH)

na ibinaba na rin sa high risk mula sa critical risk ang classification ng COVID sa bansa partikular sa National Capital Region (NCR).

Kasabay kasi nito ang mas pinalakas ngang vaccination sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Pero sa kabila nang lahat ng ito, patuloy naman na nadaragdagan at tumataas ang bilang ng mga indibiduwal na nahuhuling lumalabag sa pinaiiral na health protocols.

Iniulat nga ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang simpleng ­panuntunan sa pagsusuot ng face mask na lubhang kailangan, aba’y hindi kayo maniniwala tumaas pa sa 3 porsiyento ang nahuhuling lumabag dito mula lamang nitong Enero 9 hanggang Enero 15.

Iyan madalas ang nagiging problema sa maraming Pinoy, nakita lang na pababa ang mga kaso, mabilis malibang sa dapat nilang sunding safety protocols.

Nakakalimot nga lang ba ang iba o sadyang pasaway.

Bukod sa simpleng panuntunan sa pagsusuot ng face mask, marami rin ang  nasumpungang hindi nasusunod ang physical distancing rules, yung iba naman ay todo sa mass gatherings.

Baka kasi nga nasisita lang sila, kaya ayos lang na lumabag. Siguro dapat na bigatan ang parusa sa mga mahuhuling madalas lumabag para matuto at masampolan na ang mga ito.

Paulit -ulit na lang kasi, hindi na nagtatanda.

Pag-nag-lockdown naman ngawa nang ngawa.

Bukod nga sa pangunahing panlaban sa COVID na pagbabakuna, kailangan laging maisaisip ang ganitong simpleng panuntunan para maiwasan ang hawaan at tuluyan nang malabanan ang virus at bumalik na tayong lahat sa normal.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with