^

Punto Mo

EDITORYAL - Inuna ang hindi kapaki pakinabang

Pang-masa
EDITORYAL - Inuna ang hindi kapaki pakinabang

IPINASA ng mga senador ang Vape Bill o ang ­Senate Bill 2239 noong nakaraang Disyembre 2021. Nagkukumahog sila sa pagpapasa ng panukala na para bang napakahalaga nito at malaki ang mapapakinabang. At ipinasa pa nila sa panahong ang bansa ay naghihirap dahil sa pandemya. Sa halip na batas na makakatulong sa mamamayan kung paano pauunlarin ang sarili, mas inuna pa ang pagpapasa sa panukala sa e-cigarette o vape. Anong kaisipan meron sila ? Kahit saang anggulo tingnan, walang makitang magandang dahilan para unahin ang panukala ukol sa vape. Anong maidudulot ng vape at kailangang pag-aksayahan ng panahon?

Nang maipasa ang panukala, maraming bumatikos. Unang-una na rito ang mga health advocates. Batid kasi nila ang panganib na dulot ng paggamit ng vape. Katulad ng sigarilyo, mapanganib ito sa kalusugan lalo na sa mga kabataan. Sa panukalang batas, inilapit pang lalo sa panganib ang mga kabataan. Binabaaan pa ang edad na puwedeng makabili nito. Mula sa 21-anyos ginawang 18-anyos ang puwedeng makabili ng vape. Sabi ng Department of Health, ang panukalang batas ay kumukontra sa pinu-promote ng pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko. Anang DOH, nagtagumpay na ang bansa sa pagkontrol sa paggamit ng tabako pero ito namang vape ang isinulong. Sa kasalukuyan, 48 medical groups ang tahasang sumasalungat sa panukalang batas. Hinihiling nila kay President Duterte na ibasura ang kontrobersiyal na panukalang batas.

Ang vape ay may chemicals na gaya ng nicotine, propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na nakaka-addict at nagiging dahilan ng cancer. Noong 2018, nairehistro ng Pilipinas ang kauna-unahang e-cigarette o vape associated lung injury na kinasangkutan ng isang 16-anyos na babae sa Visayas.

Hindi pabor si President Duterte sa e-cigarettes. Noon pa man, ayaw niya nito. Maski nga sigarilyo, hate na hate siya. Kaya marami ang naniniwala na ibabasura niya ang SB 2239 o Vape Bill. Dapat magkaisa ang mamamayan para tutulan ang panukalang ito. Hindi ito kapaki-pakinabang. Banta ito sa buhay.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with