^

Punto Mo

Pandemya gamit sa pananamantala!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

TALAGA nga naman na sa gitna pa rin ng kinakaharap na laban sa pandemya hindi lang sa bansa kundi maging sa buong mundo, eh talagang sumasabay ang mga nagsasamantala pa dito.

Nandyan na nga at talaga namang nag-iimprenta pa ng mga pekeng  vaccination card na lubhang napakahalaga sa kasalukuyan.

Kaugnay ito sa ipinatutupad na ‘no vaxx, no ride’ policy, maging sa mga mahahalagang establismento nagpapatupad rin ng ‘no vaxx, no entry’ .

Eh paano nga ang mga hindi bakunado o hindi pa kumpleto ang bakuna na kailangang lumabas at magtungo sa kung saan-saan, hindi nga ba’t agrabiyado na.

Kaya naman naisip ng mga kulukoy na kawatan na mag-imprenta o gumawa ng mga pekeng vaxx card at ibenta sa mga kumakagat na nangangailangan.

Mahusay talaga sa kalokohan ang mga ito.

Meron naman kumakasa, hindi nila alam na kapag nahuli mas malaking problema kung peke ang kanilang dala.

Hindi lang yan, dahil sa pagkalat ng Omicron variant kung saan nga pinasok na ang mga kabahayan, kaya naman tumaas ang pangangailangan sa mga pangunahing gamot partikular ang kilalang brand ng Paracetamol, gamot sa ubo at sipon.

Nakita rin natin na dumating pa nga ang pagkakataon na nagkakaubusan ng gamot dahil sa mahabang pila ng mga bumibili at nag-ii-stock nito sa kanilang mga bahay.

Ayan nga, nakita ng mga kulukoy na kawatan na samantalahin ito.

Sige, ayun gawa ng mga pekeng gamot na binebenta pa online.

Kamakailan nga lang nakasamsam  ng nasa P1.8 milyong gamot na ginagamit ng mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID.

Maging ang Bureau of Customs nakasamsam din ng mga pekeng gamot at mga pekeng antigen kits na hindi awtorisadong ibenta na baka nga imbes na gumaling ka eh lalong lumala ang kalagayan dahil hindi alam kung ligtas ito.

Klasik talaga ang ilang manloloko, kahit pandemya gamit sa panggagantso.

Kaya naman kailangan ang matinding pag-iingat ng publiko, hindi komo mura ibinebenta eh arya na lang nang arya.

Laging tandaan, sa lahat ng pagkakataon may nakaabantay na kawatan na mananamantala kaya dapat din na maging mapanuri at mapagmasid para hindi mabiktima.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with