^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (175)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KUNG minsan, nag-iisip nga ako kung bakit tila wala yatang balak makipagrelasyon si Mira. Sa isang banda nga ay okey din dahil kung magkaka-boyfriend siya ay baka biglang mag-asawa at iwan ako. Mawawalan ako ng kasama.’’

“Baka naman kaya walang boyfriend ay dahil nga nag-aalala sa iyo, Lincoln. Kung magbo-boyfriend siya ay baka nga mahati ang atensiyon.’’

“Pero minsan, nag-iisip ako na hindi kaya tomboy si Mira. Naiisip ko yun, Reagan. Sa atin-atin lang naman ito. Nasabi ko lang naman.’’

“Hindi ako naniniwala na tomboy si Mira, Lincoln. Malayo.’’

“Alam mo kung bakit ko nasabi ‘yun?’’

“Bakit?’’

‘‘Kasi’y mahilig siyang manood ng mga larong panlalaki. Gaya halimbawa kapag may laban si Pacman, gustung-gusto niyang manood. Di ba ang mga babae, ayaw ng ganyang panoorin. Tapos minsan, isang madaling araw, nagising ako at nakita ko siyang nanonood ng TV.  At ang pinanonood niya ay UFC. Di ba matindi ang bugbugan sa UFC dahil mixed martial arts ‘yun. Matira ang matibay talaga. ‘Yun ang pinanonood niya sa halip na mga romance o mga love stories.’’

Nagtawa si Reagan.

“Hindi naman siguro porke at bakbakan ang pinanonood ni Mira ay tibo na siya. Mayroon sigurong babae na gusto ay ‘yun ang panoorin.’’

“Sana nga ay gan’un Reagan. Kasi parang hindi ko agad matatanggap kung siya ay tibo.’’

“Hindi tibo si Mira.’’

Pero kinagabihan, nag-isip din si Reagan. Baka nga tibo si Mira. Bakit mahilig itong sumakay sa kalabaw.

ISANG umaga, dakong alas otso, dumungaw si Reagan sa beranda at nagulat siya sa nakita. Si Mira maikli na ang buhok! Parang tomboy!

Hindi malaman ni Reagan kung tatawagin si Mira o hindi.

Pero natawag din niya.

‘‘Mira!’’

Lumingon si Mira.

‘‘Bakit Reagan?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with