^

Punto Mo

Pinakamalaking patatas sa buong mundo, sasailalim sa DNA test!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IPAPA-DNA test ng mag-asawang magsasaka sa New Zealand ang tanim nilang dambuhalang patatas upang kilalanin ng Guinness World Record bilang “Heaviest Potato in the world”.

Noong 2021, nahukay ng mag-asawang Colin at Donna Craig-Brown ang isang dambuhalang patatas sa kanilang garden sa Waikato, New Zealand. Pinangalanan nila ang patatas na si “Dug the Spud”.

May timbang na 7 kilos si Dug the Spud at naniniwala ang mag-asawa na ito ang pinakamalaking patatas sa buong mundo dahil ang kasalukuyang may hawak ng titulong “Heaviest Potato in the world” ay mayroon lamang timbang na 4.98 kilos.

Mula nang mahukay nila si Dug the Spud ay tinawagan na nila ang Guinness ngunit hindi naging madali para kilalanin ito at ibigay ang titulo. Bukod sa verification ng isang agronomist, nag-request din ang organisasyon ng DNA test upang malaman kung anong genus at variety ni Dug the Spud.

Sa kasalukuyan, nagpadala na sila ng maliit na bahagi ni Dug the Spud upang pag-aralan ito sa Lincoln University sa Scotland.

 

 

vuukle comment

DNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with