^

Punto Mo

Naglipana na naman ang mga banal-banalang salot sa bayan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

DAGSA ang nagka-COVID pero naibsan ang labis na takot at pag-aalala dahil hindi kasingbagsik ng mga naunang variants ang hatid ng Omicron na nagmula sa South Africa. Mas ­malabnaw ang kamandag ng virus na ito pero napakabilis namang makahawa, kaya dapat din ang ibayong pag-iingat at pakikiisa sa itinatagubilin ng Department of Health.

Sa mga pulitiko na naglilibot sa mga barangay upang ­mangampanya, ngayon ang panahon upang ipakita ang inyong angking liderato na makapagpapabuti sa pamayanan. Unahin ninyo ang edukasyong pangkalusugan, hanapbuhay na may pagmamalasakit sa kalikasan, iwas bisyo at pagsasaayos ng gobyerno. Baka naman mangu­ngulimbat din kayo? Mag-isip naman kayo nang maayos!

Magtigil na kayo sa paninira sa kalaban ninyo at pagbubuhat ng sariling bangko, dahil alam naman ng mamamayan na hindi kayo nagpapakabayani bagkus ay malamang na makiisa rin kayo sa pandarambong sa gobyerno ng mga kapitalista ninyo! Mga disente at propesyonal na mga “mandarambong” na ang tanging puhunan ay “kapal ng mukha” na mga buraot. Sige Tekla, kulamin mo na, he-he-he!

Mahabang panahon na puro isyu ng pagnanakaw ng mga lider ng bansa ang pinag-uusapan, pero ang mga ipinapalit ay puro nasasangkot din sa pandarambong. May mga kumakandidato na ginagamit pa ang Diyos na akala mo ay matino pero kung hahalukayin ang pagkatao ay asal demonyo rin naman pala. May kilala ka rin ba?

May mga lider ng simbahan ang lumahok na rin sa pulitika, pero wala namang ipinakitang pagtulong sa mamamayan. Kaparte sila sa  mga bilyones na “pork barrels” pero maliwanag ba kung saan nila ito ginamit? Naglipana na ang mga sukab at limatik ng lipunan at nahaluan pa ang mga lider ng simbahan sa kababuyan.

Maging ang mga makakaliwang grupo na akala nang marami ay magiging kasangga ng mamamayan laban sa katiwalian ay mga “inutil” din naman pala at  nagkukunwari pang mga makabayan at makamahirap pero ang totoo, gusto nila na mas marami ang maghirap dahil sa kanila sila humuhugot ng lakas. Totoo di ba?

Ang mga bayarang propagandista na kumikita ng limpak-limpak na salapi upang bihisan ng kabanalan ang mga kandidato nila ay isang uri ng mandaraya at magnanakaw ng katotohanan kaya hindi malayong abutin din ng karma! Kailan kaya?

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with