^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (173)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PASIMPLENG nilapitan ni Mira ang kanyang papa at pinaalalahanan na baka malasing sa iniinom na tuba.

“Papa baka ka malasing. Hinay-hinay lang.’’

“Oo. Hindih pah akoh lashing Mira. Don’t worry anak.’’

“Baka kasi makasama na naman sa kalusugan mo.’’

“Hindih. Kaya ko ito, anak.’’

Umalis si Mira at nagtungo sa kusina para tulungan sa pagluluto ang asawa ni Bino.

Nagpatuloy naman sa masayang pagkukuwentuhan sina Reagan, Lincoln at Bino.

“Hanga talagah ako sa iyoh, Reagan. Nakapagpundar kah ng ganito kagandang farm. Idol kitah, Reagan.’’

“Salamat, Lincoln. Tiyagaan lang talaga kaya ako nagkaroon nito. Tipid at maayos na paggastos para makaipon.’’

‘‘Role model kah ng OFWs, Reagan. Ang galing moh.’’

“Salamat uli, Lincoln.’’

“Tagay ka pa Sir Lincoln?’’ tanong ni Bino.

‘‘Stop na akoh, Bino. Pinagsabihan na ako ni Mira. Baka magalit sa akin ang anak koh.’’

‘‘Sige. Kami na lang ni Manedyer ang iinom. Pero hindi naman talaga nakakalasing ang tuba. Malagihay lang.’’

“Oo ngah. Pero okey na ako. Bukas naman, ha-ha-ha!’’

“Bukas masarap na pulutan ang ipaluluto ko kay Misis. Inihaw na hito. Crispy. May masarap na sukang sawsawan.’’

“Wow! Masarap ‘yun, Bino.’’

“Katamtamang laki ng hito ang huhulihin ko para masarap iihaw.’’

“Parang ayaw ko nang umalis dito, ha-ha-ha!’’

MAKALIPAS pa ang ilang araw at pabalik na sa Makati sina Reagan, Lincoln at Mira. Marami silang dalang prutas at iba pang pagkain.

Nalulungkot naman sina Bino at asawa nito sa pag-alis nina Reagan. Walang tigil sa pasasalamat si Lincoln at Mira kay Bino at sa asawa nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with