^

Punto Mo

Nakakalito!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HILUNG-hilo at litung-lito.

Malamang yan ang nararamdaman ngayon ng marami nating kababayan patungkol sa ipinatutupad na ‘no vax, no ride’ policy ng Department of Transportation (DOTr).

Dapat aminin, lumikha umano ito nang matinding kalituhan sa marami.

Ilang araw nang laman ng balita ang naturang kontrobersiyal na polisiya kung saan nga marami ang pumapalag ukol dito, yun naman pala eh exempted sa kautusan ang mga manggagawa.

Eh kung bakit kamakalawa lamang ito nalinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na exempted dito ang mga manggagawa dahil kabilang sila sa nagkakaloob ng essential services.

Hindi rin naman kasi nalinaw ito nang husto bago ipinatupad ang polisiya.

Alam kaya ito nang mga nagpapatupad ng batas? Kaya nga  noon pa man nabanggit natin na dapat alam nang mga magpapatupad nito ang bawat litanya ng kautusan at handa silang maidepensa ito sa kanilang mga sisitahing lumalabag.

Dahil nga rito, litung-lito hindi lang publiko kundi ngayon eh mukhang maging ang mga nagpapatupad nito.

Eto na naman kasi tayo, mistulang nagkakanya-kanya.

May ipapatupad na panuntunan ang isang ahensya, walang kaakibat na koordinasyon sa ibang ahensya.

Magkakaiba na naman ang paliwanag kaya ang resulta si Juan dela Cruz ang siyang nalilito.

Eh ilan na nga ba ang nasita simula nang pormal itong pasimulang ipatupad noong Lunes (Enero 17)? Ilan  ang hindi nakapasok sa kanilang trabaho dahil hindi napasakay sa mga pampublikong sasakyan?

Ngayon pala eh hindi ganon ang dapat na nangyari.

Kailangan lang pala na magpakita ang isang commuter ng mga dokumento na magpapatunay na siya ay isang manggagawa. Pwede na galing mismo sa kompanyang kanyang pinagtatrauhan, o kaya ay patunay buhat sa barangay.

Bukod sa mga manggagawa, sinabi na exempted din sa polisiya ang mga indibiduwal na may medical condition at bumabiyahe para sa essential goods at services.

Habang tumatagal marami nagiging mainit ang panawagan na itigil ang ‘no vax, no ride’ dahil exempted din naman pala ang mga manggagawa rito na siya namang madalas na maging sakay ng mga .

Katwiran naman mga awtoridad kailangang maipatupad ang kausan para makatulong na mapababa ang hawaan lalu na sa NCR na dito umiiral ang Alert Level 3.

Ang totoo maganda ang intensyon ng naturang polisiya, yung nga lang mukhang hindi nagiging maayos kung paano ito maipapatupad lalu na nga’t meron palang mga exempted sa polisiya na ito na marahil ay hindi pa alam ng mga tagapagpatupad.

  

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with