^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (172)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT nga?’’

‘‘Naitanong ko lang Mira. Kasi nakapagtataka na sa ganda mong ‘yan ay wala kang boyfriend.’’

Natawa si Mira.

‘‘Sino kaya ang maganda?’’

‘‘Ikaw.’’

‘‘Malabo na ang mata mo, ha-ha-ha!’’

‘‘Kailangan ko nang magsalamin, ganun?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Ah baka nagugutom na ako. Kasi’y mag-aalas dose na ng tanghali.’’

“Oo nga. Nagugutom ka na nga siguro kaya kung anu-ano ang nasasabi mo, ha-ha-ha!’’

“Baka nga. Ikaw nagugutom ka na Mira?’’

“Medyo.’’

“Tena bilisan natin ang pag-uwi at nang makakain na tayo. Ano kaya ang hinanda ni Bino para sa lunch natin. Gusto mo ba ng adobong manok na Tagalog?’’

‘‘Adobo sa gata na may halong papaya?’’

“Oo. Gusto mo ‘yun?’’

“Oo.’’

“E inihaw na tilapiya o hito na may sawsawang suka mula sa tuba? Yung maasim na maanghang?’’

“Oo gusto ko ‘yun, Reagan.’

“Sige, bilisan natin at nagugutom na ako.’’

Pagdating nila sa farmhouse, naroon na sina Bino at Lincoln. Naghahain na sa mesa ng adobong manok sa gata, inihaw na hito at tilapiya. Ang kanin ay bagong ani kaya mabangung-mabango.

“Kanina pa namin kayo hinihintay,’’ sabi ni Lincoln.

“Malayo ang narating namin Papa. Tapos muntik pa akong mahulog sa kalabaw. Buti at nasalo ako ni Reagan. Hindi naman ako nasaktan.’’

“Kaya pala ang tagal n’yo. Halina kayo.’’

Kumain sila. Napakasarap na tanghalian.

Kinahapunan, tuba ang ininom nina Reagan.

Sarap na sarap si Lincoln.

Medyo nagwating-wating na ang paningin dahil sa tuba.

Nakatingin lang si Mira sa ama.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with