^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga dayuhang walang bakuna, higpitan din

Pang-masa
EDITORYAL - Mga dayuhang walang bakuna, higpitan din

NARARAPAT lang na higpitan din ang mga dayuhang papasok sa bansa. Dapat bakunado rin sila para matiyak na hindi sila magdadala ng virus sa bansa. Ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), simula Pebrero 16, lahat nang dayuhang papasok sa bansa ay kinakailangang magpakita ng katibayan na sila ay bakunado laban sa COVID-19.

Bukod sa proof nang pagiging bakunado, nararapat ding magpresenta ng negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test na kinuha sa loob ng 48 oras mula nang umalis sa bansang pinag­mulan. Lahat umano ng mga dayuhan na hindi makakapagsumite ng mga kailangang dokumento ay hindi papayagang makapasok. Mahigpit umano itong ipatutupad.

Dapat noon pa ito ginawa para napigilan ang pagkalat ng Omicron variant. Kung kailan dumami na ang Omicron, saka lamang naisip na hingian ng proof ng full vaccination ang mga dayuhan. Isang malaking­ pagkakamali na bago naitama ay marami nang tina­maan ng sakit. Ganunman, may malaking aral nang napulot dito.

Ngayon nagkukumahog ang pamahalaan para masawata ang pagkalat ng COVID o ng variant nito. Isa sa mga ipatutupad ay ang hindi papayagang makasakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga hindi baku­nado. Nagpalabas ng kautusan ang Department of Transportation (DOTr) na nagsimula kahapon (Enero 17) na hindi papayagang makasakay sa PUVs ang mga walang bakuna. Ang kautusan ay nag-ugat sa direktiba ni President Duterte noong naka­raang linggo na i-limit ang galaw ng mga hindi baku­nado. Nararapat na sa bahay na lamang umano manatili ang mga hindi bakunado para hindi makapanghawa. Ang susuway ay pina­aaresto ng Presidente.

Maraming umalma sa direktiba na ‘‘no vax, no ride.’’ Isa raw itong diskriminasyon. Hindi raw ito maka­ta­rungan. Hindi raw ito nararapat. Noon pa nananawagan ang pamahalaan na magpabakuna na ang lahat para may proteksiyon. Marami nang suplay ng bakuna kaya wala nang problema. Sa kabila ng panawagan, marami pa rin ang ayaw magpabakuna. Hanggang dumami ang may COVID nang pumasok ang 2022. Kahapon, naitala ang 37,070 kaso. Kailangan nang gumawa nang epektibong paraan ang pamahalaan para mapi­gilan ang pagkalat ng sakit. Nararapat nang higpitan ang mga hindi bakunado – ma-Pinoy man o dayuhan.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with