^

Punto Mo

‘No vax, no ride’, marami ang naapektuhan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami talaga sa ating mga kababayan ang lubhang na­apektuhan sa ipinatupad na “no vax, no ride” policy ng Department of Transportation (DOTr) na sinimulan kahapon.

Talagang daan-daan ang hindi pinasakay sa mga pampublikong sasakyan. Yung iba nga nakasakay na eh talagang pinababa pa.

Tumagal ang biyahe sa ilang public utility vehicles (PUVs) dahil sa ginawang pagbusisi ng mga awtoridad sa pangunguna ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa vaccination card ng mga pasahero.

Maging sa mga pantalan, nasumpungan ang maraming mistulang stranded na pasahero na hindi pinapasok sa port dahil sa walang maipakitang vaccination card. Gayundin sa mga paliparan.

May ilan isa pa lang bakuna, pero kahit ano ang kanilang ginawang kadahilanan hindi sila nakalusot.

Marami ang pumalag sa kautusan sa kabila na matagal na nga itong pinauna ng tanggapan.

Katwiran naman ng ilan, hindi naman nila kasalanan kung matagal pa ang kanilang second dose, o kung kulang ang bakuna sa kanilang mga lugar.

Hindi lang mga mananakay na ‘di bakunado ang natarget ng mga awtoridad na nagpatupad sa “no vax, no ride” policy, nasapul din ang mga mismong driver na ang ilan ay nabuko sila mismo ay hindi kumpleto ang bakuna.

May ilang mambabatas naman ang umapela na sana nga raw eh pag-isipan ang naturang polisiya at ‘wag namang hadlangan ang kilos ng mga hindi pa bakunado basta’t nasusunod naman ang pinaiiral na health protocols.

Pero nanindigan dito ang DOTr na nagsabing para sa kapakanan ng nakakarami ang kanilang tinignan sa pagpapatupad ng panuntunan.

Hangad na nga lang ng marami na sana nga raw ay naabot na partikular sa Metro Manila ang peak ng kaso ng COVID para tuluyan na itong bumaba upang maibaba na ang alert level at magkaroon na ng kaunting kaluwagan sa pagkilos ng bakunado man o hindi.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with