^

Punto Mo

Ano ang dapat isampa, estafa, BP 22, o small claims?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Plano ko na pong kasuhan ang nangutang sa akin na inisyuhan ako ng mga talbog na tseke. Gusto ko lang po malaman kung ano ba ang dapat kong isampa, estafa, BP 22, o small claims? —Amy

Dear Amy,

Ukol sa pagsasampa ng kasong estafa, nakadepende ito kung kailan inisyu ng umutang sa iyo ang tseke. Maari kang magsampa ng estafa kung inisyuhan ka ng mga tumalbog na tseke noong ikaw mismo ay inuutangan pa lamang. Makikita kasing may halong panloloko sa pag-issue ng mga talbog na tseke. Hindi naman pasok sa krimen ng estafa kung mayroon ng pre-existing debt o dati ng may utang at kalauna’y saka lamang inisyu ang mga talbog na tseke bilang kabayaran.

Kung BP 22 naman, sapat nang may inisyung talbog na tseke at hindi ito pinondohan kahit alam na naman ng nag-isyu na tumalbog na ito. Kung angkop ang mga nabanggit sa sitwasyon mo, maari kang magsampa ng sabay na reklamong estafa at BP 22.

Maari ka ring magsampa ng civil case sa small claims court kung pasok ang halagang iyong sinisinigil ngunit tandaan lamang na sa ilalim ng batas, awtomatiko nang kasama ang sibil na aspeto kapag nagsampa ka ng reklamo para sa BP 22 o estafa. Ibig sabihin, hindi pinapayagan ng batas ang pagsasampa ng hiwalay na sibil na kaso upang masingil ang halagang inutang kung nakapagsampa na ng reklamo para sa BP 22, maliban na lang una nang naisampa ang civil case.

Pinapayagan naman ang hiwalay na sibil na kaso sa estafa ngunit kailangan munang ipaalam sa korte na may hiwalay na isasampa o may kasalukuyan nang nakabinbin na civil case.

vuukle comment

ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with