Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (170)
UNANG isinakay ni Reagan sa kalabaw si Mira at nang nakasakay na ito ay saka naman siya sumakay.
“Ayan, hindi na ako matatakot dahil mayroon na akong sinasandalan, ha-ha-ha!’’ sabi ni Mira.
“Basta isusunod mo lang ang katawan sa movement ng kalabaw, hindi ka mahuhulog.’’
“E paano kung gaya kanina na nagulat itong kalabaw?’’
“Kailangan alerto ka rin sa nangyayari sa paligid. Kung alerto ka, hindi ka basta mahuhulog.’’
“Pero takot na takot talaga ako kanina, Reagan. Akala ko, mababalian ako. Mabuti na lang at nasalo mo ako. Mabigat ba ako, Reagan?’’
“Medyo. Akala ko nga nabali ang braso ko, ha-ha-ha! Joke lang.’’
“Parang sinabi mo na rin na kailangan ko nang magbawas ng timbang, ha-ha-ha!’’
“Hindi! Seksi ka naman ah! Tama lang ang katawan mo.’’
“Wow, thanks.’’
Maya-maya, tinuro ni Reagan kung saan sila pupunta.
“Dun tayo sa taniman ng lansones. Tamang-tama may mga hinog na. Kumain ka hanggang gusto mo.’’
“Ang daming prutas dito, Reagan. Parang ayaw ko nang umuwi sa Makati.’’
‘‘Kahit dito ka na tumira, puwede, ha-ha-ha!’’
Tinungo nila ang lansonesan.
Hangang-hanga si Mira sa bunga ng lansones na ang buong katawan ng puno ay namumutiktik sa bunga.
Hindi na sila bumaba sa kalabaw at inabot lang nila ang mga hinog na lansones.
Kumain nang kumain si Mira. (Itutuloy)
- Latest