^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘Kalahati ng ­katawan ang nasa hukay’

Pang-masa
EDITORYAL - �Kalahati ng ­katawan ang nasa hukay�

MAY katotohanan ang kasabihang ‘‘ang kalahati ng katawan ng mga mamamahayag sa bansa ay nasa hukay’’.  Sunud-sunod ang pagpatay sa mga mamamahayag at nagpapakita lamang na wala silang proteksiyon mula sa pamahalaan. Pinapatay sila nang walang laban.

Noong nakaraang Miyerkules, binaril at napatay ng dalawang lalaking nakamotorsiklo ang radio commentator na si Jaynard Angeles ng Tacurong City, Sultan Kudarat. Nasa isang car repair shop si Angeles nang pagbabarilin. Tinamaan siya sa ulo na agad niyang ikinamatay.

Si Jaynard ay komentarista sa Radio ni Juan radio station at kandidatong konsehal sa bayan ng Lambayong. Binaril siya ilang araw makaraan ang election gun ban at eksaktong isang buwan makaraang patayin ang mamamahayag din na si Jesus Malabanan ng Manila Standard sa Calbayog City, Samar.

Hanggang ngayon wala pang lead ang Philippine National Police sa pagpatay kay Jaynard. Posible raw na ang pagpatay ay may kinalaman sa pulitika sapagkat kandidatong konsehal nga si Jaynard. Hanggang doon lang ang alam ng pulisya. Si Jaynard ang ika-23 mamamahayag na pinatay sa ilalim ng Duterte administration.

Sa index report ng Committee to Protect Journalists (CPJ) noong nakaraang taon, pampito ang Pilipinas sa pinaka-masamang bansa para sa mga mamamahayag. Nangunguna ang Somalia, sumunod ang Syria, Iraq, South Sudan, Afghanistan, Mexico, Brazil, Pakistan, Bangladesh, Russia at India.

Noong nakaraang taon, dalawang mamamahayag ang pinatay na kinabibilangan nina Orlando “Dondon”Dinoy at Renante Cortez. Hindi pa rin nalulutas ang kaso nina Dinoy at Cortez. Ang pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa mga mamamahayag ay naganap noong Nob. 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao kung saan 35 ang pinatay.

Maraming Presidente na ng bansa ang nangakong puprotektahan ang mamamahayag subalit pawang “napako”. Patuloy ang pagpaslang at nanatiling ang “kalahati ng kanilang katawan ay nasa bingit ng hukay”.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with