^

Punto Mo

Sec. Año, kumilos sa seguridad ng media sa May elections!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NASA tamang landas ang hakbangin ni Interior Secretary Eduardo Año na bigyan ng seguridad ang mga mamamahayag para sa nalalapit na May elections. Hindi naman kaila sa inyo mga kosa na tuwing may elections, palaging may taga-media na napapaslang dahil sa pagbubulgar nila ng mga anomalya ng mga pulitiko, lalo na sa mga probinsiya. Sariwa pa sa isipan ng mga Pinoy ang Ampatuan massacre kung saan maraming taga-media ang nalagas.

Ayaw na ni Año na may mapaslang na taga-media sa nalalapit na May elections kaya inutusan niya si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos na bigyang seguridad ang mga mamamahayag. Mabilis pa sa kidlat na bumuo si Carlos ng Police Focal Persons for Media Security na magiging tagakolekta ng datos patungkol sa mga harrassment at threat laban sa media. Malaki ang paniniwala ni Año na ang grupo na itinayo ni Carlos ay magiging epektibo para mailigtas ang mga mamamahayag sa kapahamakan. Mismoooo! Dipugaaaaa!

Hiniling ni Joel Sy Egco, chair ng Presidential Task Force of Media Security (PTFoMS) kay Año na bigyang proteksiyon ang media matapos mapaslang sa Mindanao ang isang mamamahayag na tumatakbong konsehal sa kanilang lugar. “We are one with the PTFoMS in providing security and other protective measures for media workers. They deserve to be shielded from every form of harm that they might be exposed to in the line of duty particularly during elections,” ani Año.

“The 4th Estate is an integral part of our democracy and government’s partner for a more peaceful, honest and orderly polls.” Aniya, suportado ng kanyang ahensiya ang mga programa ng PTFoMS upang mabigyan ng maganda at ligtas na working environment ang lahat ng media workers sa Pinas. Iginiit pa ni Año na mismong si President Digong ay paulit-ulit na ­nangako na hindi niya papayagan ang anumang uri ng kaguluhan laban sa media workers sa bansa.Dipugaaaaa! Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa parte naman ni Carlos, hinirang niya si PNP spokeperson Col. Roderick Alba bilang hepe ng PFPMS kung saan ang mga PNP public information officers sa buong Pinas ang mga miyembro para pangalagaan ang seguridad na hinaharap o sa lahat ng klaseng threat laban sa media. Natuwa naman si Egco at mabilis ang pagkilos ni Año para sa kanyang kahilingan na supilin na ang walang habas na pagpatay sa taga-media sa bansa. “With the elections fast approaching, we are very grateful to DILG Secretary Eduardo Año and Undersecretary Jonathan Malaya for this welcome and important development in our quest to protect the life, liberty, and security of media workers,” ani Egco.

Kung sabagay, maraming taga-media ang may mga death threats dahil sa kanilang trabaho subalit nananahimik na lang sila dahil hindi nila alam kung saan sila magre-report. Kaya timely ang kautusan ni Año at malaking tulong ito sa hanay ng mamahayag sa Pinas, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with