^

Punto Mo

Life hacks

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Hindi lang pala nakalalasing na inumin ang vodka kundi magaling na hair conditioner, bug repellent at pantanggal ng hapdi sa kagat ng jellyfish.

2. Huwag mag-sorry sa driver ng nakabanggaan mong sasakyan, maliban lang kung sobrang obvious na ikaw ang may kasalanan. Para mo na rin inamin na ikaw ang may kasalanan at gagamitin iyon laban sa iyo kapag kayo ay nagkademandahan.

3. Kapag namimili sa supermarket, may rule sila ng “first in-first out” lalo na sa tinapay, itlog, processed meats, etc. Kaya ang lahat ng lumang stock ay sa unahan/ibabaw  nakasalansan at ang bagong stock ay nasa likuran/ilalim. Ngayon, alam mo na kung saan ka kukuha ng stock.

4. Para hindi dalahitin ng ubo sa gabi: Pahiran ng Vicks VapoRub ang paa at suotan ng medyas bago matulog.

5. Kumanta kapag nalulungkot. Sinasabing ang pagkanta ay nagiging sanhi para maglabas ang utak ng endorphins or feel-good chemicals. Ito ay tinatawag na natural pain and stress fighters.

6. Hindi sapat na lagyan mo ng colourful ribbon ang iyong maleta na bibitbitin sa pagbibiyahe. Dikitan mo rin ang iyong maleta ng malaking sticker sa magkabilang gilid, ibabaw at ilalim para mas mabilis mo itong makilala habang nasa baggage carousel.

7. Ang pag-inom ng chocolate milk ay nakakatanggal ng masakit na muscle pagkatapos ng workout.

8. Nababawasan ang tsansang magkaroon ng breast cancer ang isang babae ng 14 percent kung siya ay maglalakad ng isang oras araw-araw.

9. Bakit nakakatulong sa pagbawas ng timbang ang pagkain ng spicy foods? Kasi nagkakaroon ka ng pakiramdam na busog ka na kahit kaunti lang ang nakain, dahil sa pangingimi ng iyong taste buds dulot ng anghang.

10. Kapag sinasabi ng isang advertisement na ang toothpaste nila ay nagre-repair ng ngipin, tingnan mo kung may “novamin” ito bilang active ingredient. Ito lang ang totoong nagkukumpuni ng ngipin.

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with