^

Punto Mo

Lalaki na na ospital, nakatanggap ng get-well-soon card na may kalakip na lotto ticket na nanalo ng $1-m!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Massachusetts ang nanalo ng $1 million mula sa lotto ticket na nakalakip sa get-well-soon card na binigay sa kanya dahil siya ay naospital!

Sumailalim sa double-bypass heart surgery ang 65-anyos na si Alexander W. Mcleish at habang nagpapaga­ling sa ospital, binisita siya ng kaibigan niyang si Larry. May dala itong get-well-soon card na may lamang tatlong scratch-off lotto ticket.

Laking gulat ni Alexander nang makita niya na nanalo siya ng $1 million matapos niyang kaskasin ang isa sa mga ticket.

Hindi ito ang unang beses na nanalo ang scratch-off ticket na bigay sa kanya ni Larry. Noong 60th birthday ni Alexander, nanalo ng $1,000 ang ticket na iniregalo sa kanya.

Ang pag-claim sa kanyang premyo ang ­unang ginawa ni Alexander pagkalabas niya sa ospital. Nang tinanong ng media kung ano ang una niyang pagkakagastusan sa kanyang napanalunan, ang sagot ni Alexander, kinukuwenta pa niya kung magkano ang ibabalato sa kaibigang si Larry.

 

 

vuukle comment

HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with