^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailangan, pinunong may paninindigan sa WPS

Pang-masa
EDITORYAL - Kailangan, pinunong may paninindigan sa WPS

MALAKING isyu ang nangyayari sa West Philippine Sea (WPS) kung saan patuloy na naghahari-harian ang China at binabalewala ang Permanent Court of Arbitration na nagbibigay ng karapatan sa Pilipinas na magmay-ari ng mga teritoryo sa nasabing karagatan. Nanalo ang Pilipinas sa arbitrary ruling noong 2016 subalit hindi kinilala ng China at iginigiit ang kanilang historic rights at ang sinasabi ng Beijing na “nine-dash line’’.

Dalawang linggo na ang nakararaan, binomba ng tubig ng tatlong Chinese Coast Guard (CCG) ang dalawang bangka ng mga Pinoy na maghahatid ng suplay sa Ayungin Shoal para sa mga sundalong naroon at naka-station sa grounded vessel BRP Sierra Madre. Umatras ang mga Pinoy sa ginawa ng CCG. Katwiran ng China, pumapasok daw sa teritoryo nila ang mga bangka ng Pinoy kaya binomba ng tubig.

Hindi lamang yan, nag-demand pa ang China na alisin ang grounded BRP Sierra Madre sa Ayungin dahil nakipa-commit na raw ang Pilipinas ukol dito. Dapat daw sumunod ang Pilipinas sa pinag-usapan. Pero sabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, walang commitment ang Pilipinas kaugnay sa BRP Sierra Madre. Ang Ayungin ay pag-aari ng Pilipinas na ginawaran ng arbitrary ruling noon pang 1982. Ang China umano ang trespassing sa Ayungin.

Ang isyu sa WPS ay isang malaking hamon sa mga tumatakbong presidente. Ano ang paninindigan nila rito? Ano ang kanilang gagawin para maipaglaban ang teritoryo?

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 80 percent ng mga Pilipino ay nagsabing dapat ang susunod na presidente ay ipaglaban ang karapatan sa WPS. Dapat i-enforce ang desisyon ng Court of Arbitration.

Malaking puntos ang matatamo ng presidentiable na maninindigan at ipaglalaban ang karapatan sa WPS. Kailangang malaman kung ano ang gagawin ng mga tumatakbong presidente sa inaangkin ng China. Dito sila huhusgahan ng mamamayan.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with