^

Punto Mo

Salpukan nina BBM, Leni at Isko, tulo laway ang mga apisyonado

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MAAGA pa para ­pangunahan ang magi­ging resulta sa 2022 elections pero sa iginagalaw ng mga apisyonado ng pulitika sa loob ng halos isang buwan matapos mag-file ng kandidatura ang mga naglalabanan sa pagka-presidente, tanging sina Bongbong Marcos, Leni Robredo at Isko Moreno lamang ang nagpapakita ng umuusok na kulay ang labanan hanggang katapusan. Popular man sina Manny Pacquiao, Ping Lacson at Bong Go, kulang naman sa init ang dating sa pulso ng mga namumusta. Sori po kung nagkakamali ako ng basa. Tao lang!

Kung ang pagbabasehan ay ang makinarya, pondo at popularidad, mas angat ang tatlo sa anim na nagungunang kandidato dahil nakatanim na rin sa isipan ng mga botante ang mga kandidatong may itatagal at makakakuha ng suporta mula sa iba’t ibang samahan na bumabakas at may malalaking bulto ng boto. Samakatuwid, nakakaragdag ng impluwensiya kung sino ang liyamado sa laban at kahit ano pang pagkasa sa tari ang gawin sa mga naglalabang kandidato, dama na ang pulso ng mananaya. Parang sabong din ang dating di ba?

Magkakatalo na lamang sa dulo ng labanan kung sino ang may matibay na makinarya at panggatong sa haharapin pang mga lalakbayin ng kampanya at maaring sina Bongbong, Leni at Isko ang magbakbakan hanggang sa panahon ng bilangan.

Kaladkad at napako ang isyu ng “nandaya” at “dinaya” noong 2016 election na naging mainit na usapin sa social media sa loob ng limang taon, kaya lamang ng bahagya sina Bongbong at Leni kay Isko pagdating sa init ng mga

na tauhan na pinagsasabong sa pulitika. Pagalingan na lang ng handlers at pahabaan ng pisi ang labanan kung sakali. Wait lang. Malayo pa naman, he-he.

 

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with