^

Punto Mo

PDEG, itataas ang antas ng kampanya vs droga sa Christmas!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

DAHIL malapit na ang Christmas, itinaas ni Brig. Gen. Remus Medina, director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang antas ng kampanya nila laban sa droga at isang drug pusher ang nabulaga sa Caloocan City sa pag-iingat ng 15 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P102 milyon. Tulad ng mga nakaraang mga taon, nagbibitaw nang malakihang shipment ng shabu ang drug syndicates tuwing Christmas sa lahat ng bahagi ng bansa at nakahanda naman itong mga bataan ni Medina para sawatain ang mga ito. Kapag Christmas kasi, nakakatanggap ang mga Pinoy ng 13th month pay at kung anu-ano pang bonus at nais ng mga drug syndicates na may mapunta rin sa bulsa nila. Get’s n’yo mga kosa? Kaya lang alerto na rin ang mga tropa ni Medina kaya naaktuhan sa isang drug sting si Randy Rafael, alyas RR, 42, sa Baesa Road, Brgy. 161, Zone 14, District 1 Caloocan City noong Lunes. Hak hak hak! Mabuti’t di nanlaban si Rafael sa taga-PDEG, ‘no mga kosa? Dipugaaaaa!

Si Rafael ang unang malaking accomplishment ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos laban sa illegal drugs. “Since my first day as the Top Cop, I will make sure that we will continue to intensify our campaign against illegal drug peddlers and put them all behind bars,” ayon kay Carlos sabay isyu ng babala na i-top prio­rity ng liderato niya ang kampanya ni President Digong laban sa droga. Pinuri ni Carlos, hindi lang ang PDEG, kundi maging ang PDEA, NICA, NCRPO, CIDG-National Capital Region, CIDG Northern Field Unit, at Caloocan City police na nagtulung-tulong para masakote si Rafael. Dipugaaaaa!

Ayon kay Medina, nakipag-transaction sila kay Rafael, na taga-Dandan St., sa Pasay City, para bumili ng isang kilo ng droga sa halagang P1 milyon. Matapos makorner, nakuha pa sa posisyon ni Rafael ang 14 kilos ng shabu. Maliban sa shabu, nakuha rin kay Rafael ang “boodle money” at isang celfone. Sinabi ni Medina na ang mga narekober na shabu ay may Chinese marking kaya malaki ang paniniwala nilang kasama ito sa shipment na nabawi nila sa nauna nilang operations sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Metro Manila. “Mukhang old stock at ang sobrang 14 kilos ay naka-iskedyul na ideliber sa iba pang buyers,” ani Medina. Matapos ma-inventory ang nakumpiskang ebidensiya, si Rafael ay dinala sa PDEG headquarters para ma-process at makasuhan. Tiyak ‘yun! Dipugaaaaa!

Malaki ang paniniwala ni Medina na si Rafael ay bagong “player” lang at iniutos niya ang background investigation laban dito. Ang supply ng droga ni Rafael ay galing sa isang Intsik na alyas Lim, na nag-o-operate sa Metro Manila at karatig na lugar. Aniya, ang terms of payment sa bawat transaction ay consignment basis o dili kaya’y spot cash depende sa kapasidad ng buyer. Ang shipment ng shabu ay dinideliber kung hindi personal ay dead drop, ang dagdag pa ni Medina. Hihihi! Bistado na ng PDEG at PDEA ang modus operandi ng mga drug syndicates kaya tiyak marami silang masasakote ngayong Christmas.  Hihihi Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with