^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (123)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGDATING sa ospital, agad dinala sa emergency room ang papa ni Mira. Walang tigil sa pag-iyak si Mira habang ipinapasok sa ER ang ama. ‘‘Please calm,’’ sabi ni Reagan kay Mira. ‘‘May awa ang Diyos na makaka-survive ang papa mo. Huwag kang mag-panic.’’

“Natatakot ako Mang Reagan na baka iwan ako ni Papa. Paano ako kapag nawala siya?’’

‘‘Huwag mong isi­pin na mawawala siya. Magdasal ka.’’

“Opo Mang Reagan.’’

“Dun tayo sa waiting area. Dun natin hintayin ang advise ng doktor.’’

Tinungo nila ang waiting area. Walang tao.

Magkatabi silang naupo.

Walang imik si Mira na parang lumilipad an isip.

‘‘Ano ba ang sakit ng papa mo, Mira ?’’

“Po?’’ gulat na sagot nito.

“Ano ba ang sakit ng papa mo?’’

“Sa kidney po. Nagda-dialyis po siya dalawang beses isang linggo.’’

“Pero ngayon lang ba siya nagkaganyan na biglang nanghina at nawalan ng malay?’’

“Ngayon lang po. Kaya nga po nagulat ako kanina nang makitang nakalungayngay siya sa wheelchair. Nagsisigaw ako. Mabuti na lang po at nasa beranda ka ng bahay mo. Kaya po ikaw ang hiningian ko ng tulong. Litung-lito po ako, Mang Reagan.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with