^

Punto Mo

Pamilya sa Australia, may natagpuang ahas sa kanilang Christmas tree!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pamilya sa Australia  ang nasindak nang makita nilang may makamandag na ahas sa kanilang Christmas tree!

Itinatayo ng isang pa­milya mula Gulfview Heights, Adelaide ang kanilang Christmas Tree nang mapansin nilang may tila ka­kaibang ornament sa kahon kung saan nila itinatago ang lahat ng kanilang Christmas decorations!

Kasama ng mga Christmas balls, nakapulupot sa garland ang isang malaking brown venomous snake kaya agad na humingi ng tulong ang pamilya kay Jarrad Wayne, ang kilalang snake handler sa kanilang lugar.

Ayon kay Wayne, iyon ang unang pagkakataon na humuli siya ng ahas mula sa Christmas decorations. Masasabi niyang ito ang isa sa pinakamahirap hulihin dahil pumulupot ito sa garlands at Christmas lights.

Matapos ang halos isang oras na paghuli rito, ligtas niyang nakuha ang ahas at walang sinuman sa pamilya ang na­saktan mula rito.

Nagpaalala si Wayne sa kapwa niya Australians na mag-ingat ngayong kapaskuhan dahil madalas lumitaw ang mga ahas sa mga kabahayan doon dahil sa mainit na panahon. Tuwing Disyembre, Enero at Pebrero ang summer season sa Australia.

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with