^

Punto Mo

‘Bossing’ na maporma

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAGING writer ako sa isang science magazine. Iyon ang aking pinakaunang trabaho. Malakas kumita ang kompanya dahil ang subscribers nito ay private at public schools. Ang unang napansin ko sa may-ari ng kompanya at sa kanyang dalawang managers ay lagi silang naka-Amerikana. Bossing na bossing ang dating.

Noong ikaanim na buwan ng aking pagiging ­empleyado, nagsimula nang ma-delay ang aming suweldo. Hindi namin alam kung ano ang dahilan. Ang alam namin ay isang buong school year ang subscription ng mga eskuwelahan at bayad kaagad iyon nang advance. So, bakit walang maipasuweldo sa amin?

Isang araw, ibinalita na lang sa amin na ibinenta na ng may-ari ang publishing company. Lahat ng staff writers ay kinuha ng bagong may-ari. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ng bagong may-ari sa aming first employees’meeting: “Kung napamahalaan lang nang maayos ang kompanya, hindi iyan maba-bankrupt. Saan ka nakakita na wala ka pang produkto na naidedeliber sa kliyente, natatanggap mo na kaagad ang bayad?Inuna kasi ang luho. May libre kaagad na pakotse sa mga managers na wala pang napapatunayan. Magagaling lang palang pumorma. Pero kahit sari-sari store ay hindi nila kayang pamahalaan.”

Nang magtagal, unti-unti naming nakilala ang bago naming bossing. Marami siyang ­malalaking negosyo. Napakayaman pala niya. Ang isang bagong building sa Makati noong panahong iyon ay sa kanya pala. Simple lang siyang magbihis. Short sleeves white Barong Tagalog ang suot niya araw-araw. Magaling siyang negosyante. Hanggang ngayon nanatili pang “buhay” pa o aktibo ang science magazine na ikinukuwento ko.

vuukle comment

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with