^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (121)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI agad nakakilos si Reagan sa biglang pagsigaw ni Mira. Parang ipinako siya sa pagkakatayo sa beranda. Humihingi ng tulong si Mira ukol sa papa niya. Para raw hindi na humihinga.

Naisip ni ­Reagan, ito na ba ang ­pangyayari na naging dahilan kaya siya ­biglang umuwi rito sa Makati nang walang kaabug-abog o dahilan. Ito na ba yung naiisip niya?

Hanggang ­marinig muli niya ang sigaw ni Mira.

‘‘Tulungan mo po ang papa ko Mang Reagan. Sige na po! Maawa ka po Mang Reagan!’’

Saka lamang biglang kumilos si Reagan.

“Sandali Mira. Nandiyan na ako!’’ sabi ni Reagan.

Nagmamadaling bumaba ng bahay si Reagan at umakyat sa mangga para makasampa sa pader nina Mira. Doon dumaan si Bino ng bigyan ng mangga si Mira. Nakayungyong ang sanga ng mangga kaya madaling makaakyat sa pader.

Nakababa siya sa bakuran nina Mira.

‘‘Anong nangyari?’’ tanong niya sa umiiyak na si Mira.

‘‘Para pong hindi na humihinga si Papa!’’

Nagmamadali silang pumasok sa bahay.

(Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with