^

Punto Mo

Babae sa Ukraine, tinaguriang ‘real-life Rapunzel’ dahil sa sobrang haba ng buhok nito!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TINAWAG na “real-life Rapunzel” ang 35-anyos na si Alena Kravchenko ng kanyang mga Instagram followers dahil sa buhok nito na dalawang metro ang haba!

Nag-viral kamakailan ang ­Instagram model na si Alena matapos siyang magkaroon ng photoshoot na inspired sa Disney animated movie na Rapunzel. Makikita sa mga litrato na tulad ng fairytale character na si Rapunzel, napakahaba rin ng buhok ni Alena.

Tatlong dekada na ang nakalipas nang huling nagpagupit si Alena ng Odessa, Ukraine dahil isinapuso niya ang sinabi ng kanyang ina sa kanya na ang buhok ang crowning glory ng isang babae.

Limang taong gulang si Alena nang tumigil siya sa pagpapagupit ng kanyang buhok kaya pagtapak niya ng 30-anyos, lumalaylay na ito sa sahig at natatapakan na niya. Madalas din itong paglaruan ng kanyang dalawang anak kaya ipinupusod niya ito at inilulugay lamang tuwing may okasyon.

Upang mapanatili na healthy ang kanyang mahabang buhok, dalawang beses niyang sinusuklay sa isang araw at sina-shampoo niya lamang ito kada isang linggo.

Parehas babae ang anak ni Alena at pinapangarap niya na sundan siya ng mga ito na magpahaba rin ng buhok tulad niya.

vuukle comment

RAPUNZEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with