^

Punto Mo

EDITORYAL - Military ­gagamitin para maging tahimik ang election

Pang-masa
EDITORYAL - Military ­gagamitin para maging tahimik ang election

NAKAPAGTATAKA kung bakit biglang naisip sabihin ni President Duterte na hindi raw siya magdadalawang isip na gamitin ang military para masiguro ang tahimik na election sa Mayo 2022. Kapag daw sumiklab ang kaguluhan, gagamitin niya ang military para maging malaya ang election.

Ang pahayag ay ginawa ng Presidente noong Biyernes (Setyembre 24) sa inagurasyon ng bagong Sultan Kudarat Hospital sa Tacurong City. Sabi ng Presidente, “I’m pleading, almost praying, that people will really stick to the rule of law and avoid violence. If not… I will be forced to use the might of military, not for any purpose but to see to it that the election is peaceful and violence free.’’

Hindi tinukoy ng Presidente kung sa buong bansa niya gagamitin ang tulong ng military o sa mga lugar lamang na itinuturing na election hot spot. Noong 2019 election, inilagay niya sa ilalim ng martial law ang 27 probinsiya sa Mindanao kasunod ng pagsalakay ng Maute sa Marawi City noong Mayo 23, 2017. Sinuspende rin niya ang writ of habeas corpus sa pamamagitan ng Proclamation No. 216.

Naghahatid ng pangamba ang mga salitang kaka­tulungin ang military para maging mapayapa ang election. Hindi naman kaila na maraming paglabag sa karapatang pantao ang military at kung gagamitin ang mga ito sa election, maaaring sumulpot ang pang-aabuso.

Kung ang iniisip ng Presidente ay ang mga kaguluhang dulot ng private armed groups (PAGs) na naka-employ sa mga pulitiko, bakit hindi niya atasan ang Philippine National Police (PNP) na wasakin ang PAGS. Tinatayang may 12 grupo ng PAGs sa Mindanao. Ayon sa National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) walong private armed groups na nag-o-operate sa Maguindanao at General Santos City ang kanilang nabuwag sa unang tatlong buwan ng 2021. Ayon kay Police Lt. General Jose Chiquito Malayo, commander ng Task Force Western Mindanao-NTF-DPAGs, ang pag-unti ng private armed groups ay resulta nang pagsisikap ng pamahalaan para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.

Ganyan ang gawin. Paigtingin ng PNP ang pagbuwag sa private armed groups at samsamin ang lahat ng mga baril. Hindi ura-urada ay military ang nasasaisip na gagamitin para maging mapayapa ang election. Nakakatakot kapag ganyan ang banta.

 

 

vuukle comment

2022 ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with