^

Punto Mo

Pugante sa Australia, sumuko matapos ang 30 taong pagtatago!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TAONG 1991, nahatulan ng tatlong taon na pagkabilanggo si Darko “Dougie” Desic dahil sa ipinagbabawal na gamot. Matapos ang 13 buwan sa kulungan, noong Agosto 1, 1992, tumakas siya sa kanyang piitan sa Grafton Correctional Centre gamit ang hacksaw blade at bolt cutters. Simula noon, nahirapan na ang mga awtoridad na hanapin siya. Tinagurian siyang isa sa Australia’s Most Wanted.

Kaya nagulat ang mga awtoridad na matapos ang halos 30 taon, biglang sumuko si Darko at ang dahilan ay naghihirap na siya dahil sa COVID-19 pandemic!

Ayon sa mga local news agencies sa Sydney, napag-alaman nilang namuhay si Desic sa loob ng halos 30 taong pagtatago bilang construction worker at handyman sa Northern Beaches ng Sydney. Sa takot na siya’y mamukhaan, iniwasan niyang magpadoktor at pumunta sa dentista. Tatlumpung taon din siyang nagtiis na maglakad patungo sa kanyang pinagtatrabahuhan sapagkat kung magko-commute siya ay baka may makakilala sa kanya.

Ngunit dahil sa krisis na dala ng COVID-19 pandemic at mahigpit na lockdown sa New South Wales, nahirapan na siyang makakuha ng trabaho na malapit sa kanyang tirahan. Sa kawalan ng hanapbuhay, pinalayas siya sa kanyang inuupahan at tuluyan na siyang naging homeless at walang makain.

Dahil dito, naisipan niya na mas magiging maayos ang kanyang buhay kung babalik na lamang siya sa kulungan. Matapos sumuko, kinasuhan si Desic ng kasong escape from lawful custody at maaaring makulong siya ng pitong taon bukod pa sa natirang dalawang taon na inihatol sa kanya noong 1991.

Sa kasalukuyan, may mga residente sa Northern Beaches ang naghain ng petisyon na palayain na si Desic. Ayon sa mga pumirma sa petisyon, mabait na tao si Desic at sa loob ng 30 taon, hindi ito gumawa ng gulo sa kanilang komunidad. Bukod sa petisyon, nagkaroon din sila ng fundraising para bigyan ng pinansiyal na tulong ang 64-anyos na pugante.

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with