^

Punto Mo

Ilang katotohanan tungkol sa inuugali ng mga tao (Part 4)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Alinman sa dalawang dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao: Natuto na siya o nasaktan siya nang labis.

• Ang mga babaing may mataas na I.Q. ay nahihirapang makatagpo ng mapapangasawa.

• Mas masaya ang buhay ng mga taong may pinagkakaabalahan dahil wala na silang oras para mag-isip ng mga negatibong bagay.

• Kapag isinakripisyo ng isang lalaki ang kanyang kalusugan, halimbawa, sukdulang wala siyang tulog magdamag, para lang damayan ka, ay senyales na talagang gustong-gusto ka niya.

• Ang mga taong may kumpiyansa sa sarili ay tumitingin nang diretso sa mga tao at hindi panakaw kung tumingin.

• Karamihan sa mga creative at artistic people ay may mahahabang daliri.

• Paalalahanang  uminom lagi ng tubig ang mga bata dahil ang dehydration ay nagiging dahilan upang mabawasan ang kanilang focus at concentration sa kanilang ginagawa. Nagiging dahilan din ito para mabilis silang mapagod at sumumpong.

• Nadiskubre ng mga researchers na ang taong may mababang boses ay dominante, mahilig sa sosyalan, palakuwento, madaldal at komportable sa tinatawag na casual sex or pakikipagtalik nang walang namamagitang commitment at love.

• Ang limang minutong sobrang pagkagalit ay nakakababa ng immune system na tumatagal ng 4 hanggang 5 oras. Mahaba ang limang oras na pagbaba ng immune system para magkaroon ng pagkakataon ang virus na umatake sa iyong katawan. Kaya laging maging cool. Iwasang magalit. Iwasan ang toxic people.

vuukle comment

ATTITUDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with