^

Punto Mo

Mga walang COVID pass sa the Netherlands, bawal gumamit ng comfort room sa labas

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makakagamit ng comfort room sa mga establisimento ang mga walang COVID pass sa The Netherlands, ayon sa kanilang health minister.

Niluluwagan na ngayon ang COVID restrictions doon, kabilang na ang hindi na pagpapatupad ng social distancing.

Nauna nang ipinanukala na mag-require ng mga tinatawag na COVID pass sa mga restaurants at bars ngunit hindi ito inaprubahan ng parliament ng The Netherlands dahil maliit lang naman daw ang tsansang magkahawahan sa mga nasabing establisimento.

Sa halip, sa restrooms o palikuran na lang ng establisimento manghihingi ng COVID pass, kung saan nakalagay kung nabakunahan na ang may hawak nito, kung siya ay nagka-COVID na dati, o kung nagnegatibo siya sa RT-PCR test.

Inamin ng health minister na si Hugo de Jonge na istorbo pa rin ang COVID pass requirement sa mga mamamayan na gusto ng lubusang kumawala mula sa mga health restrictions, ngunit kailangan daw respetuhin ang desisyon ng parliament sa nasabing isyu.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with