^

Punto Mo

EDITORYAL - I-extend ang voter registration

Pang-masa
EDITORYAL - I-extend ang voter registration

ARAW-ARAW mahaba ang pila sa Comelec offices dahil sa dami nang nagpaparehistro para makaboto sa May 2022 elections. Marami ang humahabol sapagkat sa Setyembre 30 na ang deadline. Pitong araw na lang ang nalalabi. Nananatili naman ang pasya ng Comelec na hindi magkakaroon ng extension sa registration ng mga botante.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang 73.3 milyon ang kuwalipikadong makaboto subalit ang nakarehistro pa lamang ay tinata­yang 60 milyon. Marami pa kung ganun ang hindi nakakarehistro – 13.3 milyon. Sayang naman kung hindi makakaboto ang mga ito dahil lamang hindi makaaabot sa deadline ng registration.

Imposibleng makarehistro ang 13.3 milyon bago matapos ang Setyembre 30. Kahit pa sinabi ng Comelec na nag-extend na sila ng oras para sa registration hindi pa rin kakayanin na marehistro lahat. May limitasyon din naman ang Comelec sa tinatanggap na magrerehistro. Kaya ang mga nakapila, hindi rin sila sigurado kung makakarehistro. Marami naman ang nag-o-online appointment para makarehistro subalit nagda-down naman ang internet kaya ang pagpila pa rin ang huling resort. Ang iba nagba-backout na. Natatakot din silang magtagal sa pila at baka mahawa ng COVID.

Maski ang mga senador ay humiling na sa Comelec na palawigin na ang voter registration. Isang resolusyon ang ginawa ng pitong senador na humihiling na palawigin hanggang Oktubre 31 ang voter registration.

Naapektuhan ng lockdown ang voter registration. Isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang NCR at maraming lugar noong Agosto 6-31 at modified enhanced community quarantine (MECQ) noong Setyembre 1-7. Sa loob ng panahong ito, suspendido ang voter registration. Kasalanan ba ng mga magrerehistro kung bakit hindi sila nakapagpatala? Dapat nakita ng Comelec ang problema at nakapag-adjust sila at may plano para sa extension ng registration.

Pero sabi ng Comelec, kakapusin sila sa oras sa paghahanda sa 2022 elections kung magkakaroon ng extension. Sabi ni Comelec spokesperson Jimenez, napakahirap daw maghanda sa election kung patuloy na gagalaw ang bilang ng registered voters.

Sayang kung hindi makakaboto ang first time voters. Dapat palawigin ang registration para sa mga kabataan at nang marinig ang kanilang boses sa 2022 elections.

 

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with