^

Punto Mo

Pagsusuot ng face shield, ‘di na mandatory

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Niluwagan na ni Pangulong Digong ang pagsusuot ng face shields, hindi na ito mandatory at pwede na raw hindi isuot sa labas ng bahay o outdoor.

Gayunman, meron pa ring ilang probisyon ang dapat na malinaw dito ang ating mga kababayan.

Nangako na ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases maging ang DILG na maglalabas sila ng bagong panuntunan ukol dito.

Kailangan pa rin naman itong isuot sa  mga lugar na “closed, crowded” at mga lugar na nagkakaroon ng “close contact” o siksikan.

Maging  sa mga indoor establishments, transportation services, mass gatherings, at iba pang aktibidad kung saan nagkakaroon ng close contact o nagkakadikit-dikit ang mga tao, kailangan pa rin ito.

Pero dapat may malinaw na panuntunan dito, na maipaparating sa publiko dahil nga baka magkaroon ng kalituhan at awayan kapag nagkasitahan.

Bagama’t wala pang konkretong pag-aaral na may advantage  ang pagsusuot ng face shield laban sa virus, naniniwala rin ang iba na kahit papaano ay nakatulong ito laban sa hawaan ng COVID.

Pero ngayong alert level system  na ang ipinaiiral sa Metro Manila, unti-unti na rin itong niluluwagan.

Marami rin naman ang naniniwala na hindi na nga dapat mag-face shield, bukod sa dagdag daw ito sa gastos, mukhang tayo na lang ang bansa na nagsusuot nito.

Katwiran ng marami sagabal sa kanilang paghinga ang face shield, na mistulang ginawa na nga lang ng iba na ‘kulorete’ sa ulo at hindi naman naisusuot ng tama.

Kabilang ang mga palengke, terminal at pampublikong transportasyon sa itinuturing na crowded na lugar na dito kailangan pa rin umano ang face shield.

Ang mga healthcare workers na direktang may close contact sa mga COVID patient, kailangan pa rin ang dagdag na proteksyon ng face shield.

Umantabay na lang tayo sa patakaran ng ilalabas ng mga kinauukulan para hindi magtalu-talo sa pagpapatupad nito.

Pero lagi isipin kung ano ang makabubuti sa inyo, kung gusto nyo pa ring magsuot nito bilang extra na proteksyon nasa inyo pa rin yan.

Iba pa rin siyempre ang nag-iingat.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with