^

Punto Mo

Pinakamaputing pintura sa mundo na ginawa sa­ Indiana, kayang palamigin ang pininturahang gusali

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GINAWA ng mga researchers sa Purdue University sa Indiana, USA ang sinasasabing pinakamaputing pintura sa buong mundo. Ang pintura ring ito ay may kakayahang palamigin ang pininturahang gusali, bahay at iba pang istruktura.

Ayon kay Xiulin Ruan, isang professor sa nasabing unibersidad at isa sa mga nagtrabaho sa proyekto, layon nilang makagawa ng pintura na magre-reflect ng sikat ng araw upang hindi uminit ang building na nababalutan nito.

Ibinabalik ng pinturang ginawa nina Ruan ang 98.1% ng solar radiation kaya naman sa ilalim ng sikat ng araw ay mas malamig ang anumang nababalot sa pintura kung ikukumpara sa mga nasa paligid nito.

Resulta ng sobrang pagka-reflective ng pintura ang sobra ring pagkaka-puti nito. Sa sobrang puti ay kinilala na nga ito ng Guinness World Records at isinama sa pinakahuling edisyon ng kanilang libro bilang pinakamaputing pintura sa mundo.

vuukle comment

INDIANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with