^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (54)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘SINO naman si Elena, Manedyer?’’ tanong ni Bino habang nasa pampang sila ng sapa at inaayos ang pagkakatanim ng mga kawayan.

‘‘Nakilala ko si Elena nang mag-renew ako ng passport sa Philippine Embassy. Magre-renew rin siya. Habang naghihintay kami ng tawag sa labas ng opisina ng passport renewal ay nagkakuwentuhan kami. Hindi gaanong kagandahan si Elena. Kayumanggi siya. Maliit na babae pero malakas ang sex appeal. Meron akong nakita sa kanya na nakapagpatibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano yun.

“Habang nagkukuwentuhan kami ay napag-usapan namin kung saan kami sa Pilipinas. Sabi ko ay taga-Makati ako. Siya naman daw ay taga-Novaliches-Bayan. May-asawa raw siya pero hiwalay sila. Mayroon silang anak na tinedyer at nasa kanyang nanay sa Novaliches. Sabi ko naman na ako ay biyudo, walang anak.

“Sa isang ospital daw siya nagtatrabaho. Superbisor siya sa supply department. Sabi ko naman, sa Ministry of Defense and Aviation ako nagtatrabaho bilang documentation specialist.

“Masarap kausap si Elena at halata kong sabik siyang may makausap na kababayan. Tinanong niya ako kung kailan uuwi para magbakasyon. Sagot ko’y matagal pa dahil kababalik ko lang dito sa Riyadh. Siya raw ay dalawang taon bago makauwi. Sabik na sabik na raw siya sa kanyang anak. Sabi pa niya, kung hindi lang daw sa anak niya ay hindi siya magpapakahirap sa Saudi. At napansin ko na napapaluha siya.

“Hanggang sa tawagin ang kanyang pangalan para kunin ang kanyang passport na ni-renew. Pumasok siya sa room. Makaraan ang limang minuto, lumabas siya na dala na ang passport.

“Hanggang sa ako naman ang tawagin. Nagpaalam ako kay Elena. Pumasok ako sa room. Natagalan ako sa room dahil mara­ming pagkakamali sa entry sa passport. Inabot ako ng mga 30 minutes sa loob. Nang lumabas ako, nagtaka ako sapagkat naroon pa at naghihintay si Elena.

“Tinanong ko kung bakit naroon pa siya. Mayroon daw siyang hinihintay. Tinanong ko kung sino ang kanyang hinihintay. Ako raw.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with