^

Punto Mo

Mga pulitiko, nagpa-fund-raising na para sa election! – Gen. Medina

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

TINUTUMBOK ni PNP Drug Enforcement Group (PDEG) director Brig. Gen. Remus Medina ang anggulo na ang 809 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.5 bilyon ay kasama sa fund-raising ng mga pulitiko sa 2022 elections. Lumabas sa tactical interrogation ng PDEG at PDEA sa apat katao na nahuli sa operations sa Zambales, Bataan at Cavite na nakalaan ang mga shabu na ideliber sa iba’t ibang bahagi ng bansa nang masakote ng mga bataan ni President Digong.

Sinabi ni Medina na ang lider ng sindikato ay sumasali sa kung anu-anong humanitarian groups sa Binondo, kasama ang Mason, para lang ilayo sa kanila ang ilegal nilang negosyo subalit natimbog pa rin ng PDEG at PDEA. Iginiit ni Medina na ang mga epektos ay nakatakdang ideliber sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao kung saan ang mga lokal opisyales ay suki ng drug syndicates.

Hindi naman sinabi ni Medina kung may listahan ang PDEG at PDEA ng mga pangalan ng mga pulitiko na nakasuso sa drug syndicates subalit idinagdag niya na binabantayan na ng tropa sila. Hihihi! Mukhang ikakalat ng sindikato ang droga sa Pinas ngayong Ber months hanggang Christmas ah. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaaaaa!

Dahil sa matagumpay na pagkumpiska ng 809 kilo ng shabu, medyo nabawasan ang supply ng droga sa kalye kaya mas mataas na ang presyo ng kumakalat na shabu sa ngayon, ani Medina. Sa totoo lang, ang nakumpiska sa Cavite ay ang unang delivery ng sindikato at napigil lang ng PDEG at PDEA ang pagkalat nito sa Mindanao.

Hindi naman namamahinga si Medina para masugpo ang problema ng droga dahil kada buwan ay nagsagawa ang mga Special Operating Units (SOUs) ng PDEG ng one week operations bilang street level approach nila kontra droga. Kaya naman marami pang nasusuyod na droga ang PDEG sa kalye dahil naniniwala si Medina na may nagpaparating pa nito sa bansa. Dipugaaaaa!

Sa buwan na ito, nagsagawa ng 81 na Simultaneous Anti-Crime and Law Enforcement Operations (SACLEO) ang PDEG na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang pushers, pagkaaresto ng 150 katao, at pagkumpiska ng anim na baril at 2,424 gramo ng shabu at 2.3 kilos ng marijuana. Ang lahat ng ebidensiya ay nagkakahalagang P203 milyon, ani Medina.

Sobrang sipag talaga ng PDEG at PDEA natin ano PNP chief Gen. Guillermo Eleazar? May naulinigan ba akong promotion para kay Medina, Gen. Eleazar Sir? Hihihi! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Mismooooooo! Dipugaaaaaaaa!

Kung sabagay, nais ni Eleazar na mawasak kaagad ang mga nakumpiskang droga para maiwasan ang kung anu-anong haka-haka na nakakasira sa imahe ng PNP. Subalit masyadong masalimuot pala ang pagsunog nito dahil kailangan pa ang go signal ng korte at iba pang ahensiya ng gobyerno. Hindi lang ‘yan, may gastusin din pala ang PNP kapag sinunog ito. Dipugaaaaaaa! Abangan!

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with