^

Punto Mo

107-anyos na kambal sa Japan, hinirang ng Guinness na pinakamatandang kambal sa buong mundo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINARANGALAN ng Guinness World Record organization ang twin sisters na sina Umeno Sumiyama at Koume Kodama ng titulong “Oldest Living Identical Twins”.

Ipinanganak noong  Nob. 5, 1913 sa Shodo Island ang kambal at ang edad nila sa kasalukuyan ay 107 taon at 300 araw.

Na-verify noong Set. 1, 2021 ng nasabing record-keeping organization ang petsa ng kapanganakan ng kambal.

Dahil sa COVID-19 pandemic, hindi na sila napuntahan ng mga opisyal ng Guinness kaya ipinadala na lamang ang kanilang mga sertipiko sa pamamagitan ng airmail.

Sa magkahiwalay na senior home facility nakatira ang kambal kaya magkahiwalay nilang natanggap ang kanilang parangal.

Naging emosyonal si Sumiyama nang matanggap niya ang kanyang certificate samantalang si Kodama naman ay may problema na sa kanyang memorya kaya hindi na niya maintindihan ang kahalagahan ng natanggap niyang sertipiko.

vuukle comment

AGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with