^

Punto Mo

Pagmamarka sa bahay ng may COVID-19, kailangan pa ba?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Iba-iba ang opinyon sa sinasabing paglalagay ng yellow markings sa bahay ng mga positibo sa COVID-19.

Una na kasi itong ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Pateros na pinapaboran naman ng ilang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Mistulang hinihikayat pa nga ni DILG Undersecretary Martin Diño ang iba pang local governmemt units na nagsabing dapat daw ikonsidera din ang ganitong aksyon.

May buwelta naman ang Commission on Human Rights (CHR) na nagsabing paglabag ito sa karapatang pantao.

Ayon sa komisyon, hindi marapat na lagyan ng marking ang bahay ng may positibo sa virus dahil nagdudulot lamang ito ng diskriminasyon sa komunidad.

Eh hindi nga ba’t sa pagsisimula pa lamang ng pandemya, may babala na ang pamahalaan sa mga nagdi-discriminate noon sa mga healthcare workers na kanilang iniiwasan sa takot na baka mahawa sa COVID.

Matindi rin ang naranasan noong diskriminasyon ng health workers na maaaring ganito rin ang maramdaman ng mga lalagyan ng markings ang kanilang bahay.

Bagama’t may ilang residente ang pabor sa yellow markings  sa katwirang paraan ito para makapag-ingat, pero ayon naman sa iba, hindi ito maganda dahil ang utak ng iba eh pandidi­rihan ang mga malalagyan ng tanda.

Sa ngayon, granular lockdown ang siyang ipinaiiral ng maraming LGUs sa Metro Manila na isinasara ang isang lugar na may mataas na kaso ng COVID.

Sa mga naka-granular lockdown posibleng alam na  rin naman nila kung sino ang COVID positive sa kanilang lugar, kaya hindi na siguro marahil na mismong bahay pa ang lagyan ng markings.

Mistulang wala itong pinagkaiba sa mga pagmamarka noon sa kasagsagan sa laban sa illegal na droga na ikinatakot ng marami dahil lahat ng nasa loob ng bahay posibleng madamay.

Anu’t-anuman, sapat na marahil ang pinaiiral na granular lockdown at ‘di na kailangan pang ilantad nang tuluyan ang mga may COVID.

Magiging doble ang kanilang kalbaryo, iniisip na ang kanilang kalusugan, isipin  pa ang sasabihin at bulungan nga kanilang mga kapitbahay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with