^

Punto Mo

Inggit

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA isang malaking farm ay may nakatirang magkapatid na kalabaw. Minsan pagdating nila sa farm mula sa maghapong pagbubungkal ng lupa sa palayan, nakita nilang dumating ang amo nilang magsasaka na may bitbit na cute na biik.

Napapansin ng magkapatid na kalabaw na tila binebeybi ng magsasaka ang bagong saltang biik. Araw-araw ay masa­sarap na pagkain ang inihahain dito. Kumirot ang puso ng magkapatid na kalabaw at tila nakaramdam sila ng inggit sa biik.

“Kuya parang unfair ang ating amo sa mga hayop na nakatira dito sa farm. Wala namang ginagawa ang biik na iyan pero siya pa ang pinalalamon ng pinakamasasarap na pagkain. Samantalang tayo na halos mapugto na ang hininga sa pagbubungkal ng lupa ay damo, dayami at pulot lang ang ipinakakain.”

“Huwag ka nang mainggit at makikita rin ng ating amo ang kahalagahan nating dalawa sa kanyang buhay.”

Dumaan ang maraming araw, ang biik ay naging malaki at matabang baboy. Nagising  isang umaga ang magkapatid na kalabaw na hinihila ng mga trabahador ang matabang baboy. Kinatay ito para ihanda sa kasalan ng anak ng kanilang amo.

“Kita mo, ang nangyari sa kinaiinggitan mong baboy?” sabi ng Kuya sa nakababatang kalabaw. “Ang tawag sa masasarap na pagkain ng baboy ay food of death. Pinalalaki siya at pinatataba upang katayin sa araw ng kasal ng anak ni Bossing.”

“Kuya okey na pala ako sa damo, dayami at pulot. Pinalalakas tayo nito para mapakinabangan tayo sa bukid. Habang tayo ay malakas at nakakabungkal ng lupa, hindi gugustuhin ni Bossing na tayo ay mamatay ng maaga.”

“Don’t envy the well-off until you know the price they pay” – Unknown  

vuukle comment

FARM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with